Isabelle Daza May Kakaiba Umanong Kontrata Para Sa Kanyang Kasambahay

Maituturing ng ang isa sa pinakamahirap na trabaho, ay ang maging isang kasambahay o yaya, dahil ang trabahong ito ay isa sa may pinakamalaking responsibilidad pagdating loob ng tahanan, at maging sa miyembro ng pamilya na kanyang pinagsisilbihan.




Kaya naman talagang kailangan ding mabigyan ng tamang pagtrato at pagpapasahod o benepisyo ang ating mga kasambahay.

Image Credit via Google

At upang mabigyan nga ng maayos na benepisyo ang kanyang kasambahay, naisipan ng aktres na si Isabelle Daza ang gumawa ng sarili at kakaiba niyang kontrata para rito.

Image Credit via Google

Makikita sa Instagram story ng aktres, ang naging pagbabahagi niya ng kontrata na para sa kanyang kasambahay pero syempre ang mga mahahalagang detalye rito tulad ng personal information ay ginawang blurd ng aktres.

Image Credit via Google

“So I decided to made a contract for my helpers at home, to show their job description and the rights as an employee.” Ito nga ang naging kakaibang caption ni Isabelle sa kanyang IG story.

Image Credit via Google

Ibinahagi rin dito ng aktres, ang karapatan ng kanyang mga kasambahay na magkaroon ng mga benepisyo tulad ng SSS, PAG-IBIG at PHILHEALTH at kung ilang oras ang trabaho ng mga ito sa loob ng isang araw at ganoon din kung ilang araw ito maaaring mag-day off.

Image Credit via Google

Sa kontratang ito na ginawa ni Isabelle para sa kanyang mga kasambahay, ay nasasaad dito na 8 oras silang nagtatrabaho , at mayroon ding break o araw na pahinga ang mga ito. Isinaad rin dito ng aktres, na maari lamang kumuha ng advance na sahod ang mga ito, kung ito talaga ay gamitin sa isang emergency.

Image Credit via Google

Domestic Workers Act of 2013 of Republic Act No. 10361 o tinatawag ng ilan na ‘Batas Kasambahay” nga binase ni Isabelle ang ibang nilalaman ng kanyang kontrata sa kaniyang mga kasambahay.

Image Credit via Google

Una ngang nakilala bilang aktres si Isabelle Daza sa GMA-7, at isa siya noon sa naging regular na host ng “Party Pilipinas”, isa sa mga Sunday variety show ng nasabing network.




Matapos nga ang naging kontrata niya sa sa GMA-7, taong 2014 ng lumipat siya sa Kapamilya network kung saan naman ay dalawang taon ang naging eksklusibong kontrata niya.

Isa nga sa mga hindi malilimutang proyekto na ginawa ni Isabelle Daza sa kapamilya network, ay ng mapabilang siya at maging isa sa mga bumida sa seryeng Tubig at Langis, kung saan ay kasama niya rito ang aktres na si Cristine Reyes at aktor na si Zanjoe marudo.



Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments