Ipinanganak ang aktres na si Maja Salvador noong October 5, 1988 sa Cagayan Valley, Philippines. Ang kanyang ina ay si Thelma Andres at ang kanyang ama naman ay si Ross Rival.
Una siyang nagsimula sa showbiz at nasilayan sa telebisyon ng mapabilang siya sa pelikulang “It Might Be You” na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, kung saan ay nakatambal niya naman dito ang aktor na si John Prats.
Matapos nga ito ay kabilang na rin si Maja sa ilang pelikula at mga serye, ngunit ang talagang nagpatingkad ng kanyang karera sa industriya ay ng gampanan niya ang role bilang si Ivy Aguas ng seryeng Wild Flower.
At ang pinaka-bago nga na ginawa ni Maja na serye ay ang “The Killer Bride” ng ABS-CBN, kung saan naman ay kasama niya ang aktres na si Janella Salvador at aktor na si Joshua Garcia. Hindi nga lang sa pag-arte magaling at hinahangaan si Maja, dahil kilala din siya bilang isa sa mga aktres sa may galing at talento sa pagsasayaw.
Mula nga ng makapasok sa showbiz si Maja, ay pinakita na niya kung gaano siya kahardworking upang maabot ang pinapangarap niya at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Kaya naman kahit pa ng aba may sariling condo unit ang aktres sa The Fort, ay nagpundar pa rin ito ng isang maganda at malaking bahay sa Antipolo na para sa kanyang buong pamilya.
Sa labas pa lamang ng tahanan na ito ng aktres sa Antipolo ay mapapansin na agad rito ang welcoming vibe nito. Ang mga puting dingding, ay sinamahan ng earthly shades at ang mga halaman naman ay maganda ang naging ayos sa pagkakalandscape ng mga ito.
Mayroon ring malapad na hardin ang tahanan na ito ng pamilya ng aktres. Pagpasok naman sa loob ng kabayanihan ay bubungad ang malawak na entertainment area at mapapansin ang mataas na ceilings ng bahay.
Mapapansin rin ang black and white motif interiors ng loob ng bahay, na ang mismong aktres ang pumili dahil nais umano nito na magmukhang simple ngunit spacious ito.
May sarili ring walk-in closet ang aktres sa tahanan nilang ito. Dito ay makikita ang maayos na nakasalansan at naaayon sa pagkakapareho ng mga kulay ang kanyang mga koleksyon ng magagarang bags, sapatos at mga damit.
Nagdagdag naman ang ina ng aktres ng red accents sa tahanan nilang ito upang mas magmukha itong sopistikada, lalo na pagdating sa living area. Sa may entertainment area naman ay pinili nila ang vibrant shades ng kulay berde.
Isang 8-seater dining table naman mayroon sa dining area ng tahanan ng pamilya ng aktres, at agaw pansin rin dito ang isang cute chandelier na mas nagbibigay ng sophistication and homey feel sa bahaging ito ng bahay.
Isa rin naman ang pamilya ni Maja sa naniniwala sa Feng Shui, kaya naman agad na mapapansin ng mga bibisita sa tahanan na ito nina Maja, na iki-consider ang Feng Shui sa pagkaka-ayos ng mga kagamitan.
Source: Famous Trends
0 Comments