Ivana Alawi, ginulat ng sobra ang kanyang dalawang kapatid sa kanyang ginawang ‘ipis prank’

Sino ba ang hindi takot sa ipis? Isa sa mga pinaka pinandidirihang insekto ay ang ipis. Sa amoy pa lang nito at sa dala nitong bakterya ay talagang pandidirihan mo nga naman ito.

Lalo na kung makikita pa ang ipis na ito na lumilipad. Talaga nga namang matatak0t ka at mapapataas talaga ang balahibo mo sa mga ito.



Credit: Ivana Alawi Youtube

At dahil na prank si Ivana noon ng kanyang mga kasama sa bahay sa walang pansinan challenge sa kanya, ay sya naman ngayon ang gagawa ng mas matinding prank sa kanyang mga kapatid na sina Hashim at Mona.

Bumili si Ivana ng 500 pcs na mga laruan na mukhang ipis talaga. Gumising pa siya ng alas sais para lang magawa niya ito lalo na at late ng gumising ang dalawa.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Una niyang pinuntahan si Mona. Habang mahimbing sa pagtulog si Mona ay inilagay na ni Ivana ang mga pekeng ipis na nakapalibot sa kanyang kama. Ginising siya ni Ivana sa paglalagay ng speaker. Pinagana niya ang recording at sinabing “Welcome to the land of Ipis”.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Nang magising ay talagang nagtatalon si Mona at sobrang tak0t sa mga ipis. Matapos nito ay pinuntahan naman nila si Hashim.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Parehong paraan din nila ito ginawa. At nang makita na niya ang mga ipis ay napaakyat na siya sa mesa.

Tawang tawa naman si Ivana maging ang mga netizens at napansin talaga si Hashim.

“Hashim so funny and so cute. I remember my older brother na umakyat talaga sa ibabaw ng balde/drum sa cr namin nang makakita ng malaking gagamba. HAHAHAHA”

Credit: Ivana Alawi Youtube

“You made my day- 😂😂😂 their reaction made me laugh so hard 🤣

“Hahahaha mas solid ung reaction ni hashim. Siguro pag sa lasing mo to ginawa gurl mauusawan agad sila Hahahaha”

Credit: Ivana Alawi Youtube

“Grabe lakas ng hagakgak ko sa browderrr mo Ivana I really love watchin’ this, imagine mo naka hop sya sa table jus in a split of 1second ong!😱ahaahha😂😂😂 you just can’t imagine ang hagalpak ko.. ang talino mo Ivana im one of your masugid na follower here in Paris,France 🇫🇷



Credit: Ivana Alawi Youtube

“Sa lahat ng vlog nila dito ako mas tawang tawa. taaaa🤣 ang sakit sa tyan ni hashim.. spiderman ang nais😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂 welcome to the land of ipis”



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments