Enchong Dee, sinubukang mangutang ng malaking halaga sa kanyang mga kaibigan sa showbiz

Sa oras ng kagipitan, isa nga naman sa agad nating nilalapitan ay ang ating mga itinuturing na kaibigan. Ang pinagsamahan at nabuong tiwala sa isa’t isa ang siyang magiging puhunan sa oras na ikaw ang mangangailangan.



Credit: Enchong Dee Youtube

Sa isang video ng aktor na si Enchong Dee, nagprank call siya sa kanyang mga kaibigan at kunwari ay manghihiram ng 3 million.

Credit: Enchong Dee Youtube

“…today we’re going to test our friends kung magfu-fall sila sa prank na gagawin ko. We’re gonna do a prank call. Hihiram tayo ng pera sa kanila, titignan natin kung papahiramin nila ako ng pera or magbe-beg off sila sa request ko,” saad ni Enchong.

Ipinaliwanag naman ni Enchong na ginawa niya ito bago pa ang opisyal na anunsyo ng community quarantine.



Credit: Enchong Dee Youtube

Ilan sa kanyang mga tinawagang kaibigan ay sina Rayver Cruz, Janine Gutierrez, at Bea Alonzo ngunit wala itong sagot.

Sina Enrique Gil, Maja Salavador, Erich Gonzales, at Gerald Anderson naman ang sumagot sa kanyang tawag.

Credit: @iammajasalvador instagram

Sinabi ni Enchong sa kanila na dahil sa virus ay matumal ang benta ay kailangan niya daw ito para mabayaran ang mamahaling sasakyan na kanyang nabili.

Narito ang mga naging kasagutan ng bawat isa kay Enchong:

Enrique Gil: “Oh Sige. I’ll talk to my mom. I’ll ask my mom about it kasi siya yung naghahandle eh… I’m also doing the construction business eh, makakabenta naman kami ng isa.”

Credit: @enriquegil17 instagram

Maja Salvador: “Makakaya ko 1, Chong.”

Erich Gonzales: “Sige. Text kita now. I’ll consult muna with the makapangyarihan.”

Credit: @erichgg instagram

Gerald Anderson: “Sige bro. Let me see.”

At siyempre, sinabi niya sa dulo na prank lang ito.



Credit: Enchong Dee Youtube

“Grabe, you know what, seriously, everyone’s going crazy now and then you’re doing that pa… But really, if you need anything, text lang,” sagot pa ni Erich sa kanya.

Samantala, sa dulo ng video ay nagpaalala si Enchong na mag doble ingat. Pangalagaan ang sarili at iwasan ang paglabas ng bahay kung maaari.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments