Kalakip na ng pagbubuntis at panganganak ang mga maiiwang stretch marks sa kanilang tiyan. Lahat nga naman ay nabibigyan ng mga stretch marks na ito. Kaya, ang iba’y kanya kanya ng paraan kung paano matatanggal ang mga markang ito.
Sa isang IG post ng aktres na si Andi Eigenmann na may kalakip na larawan nila ni Baby Lilo, ibinahagi ni Andi sa kanyang IG na nakakatanggap siya ng mga tanong kung paano natanggal ang kanyang mga stretch marks.
Nagtataka naman daw si Andi kung bakit ito tinanong sa kanya samantalang di naman daw talaga ito natanggal.
“I often get questions about how I got rid of my stretch marks. I don’t know why because as you can see in this photo (just like in a couple of others), I never did!,” saad ni Andi.
Pero kwento ni Andi, ang regular na pageehersisyo at pagkain ng masustansyang pagkain ang kanyang sikreto. Dagdag pa niya, maging din daw ang tamang anggulo at magandang lighting sa larawan.
“With consistent, exercise, eating healthy, and some trusty argain oil, I believe it improved over time, but I’m aware that it will never actually go away. Maybe with the right angle and good lighting, (or with a super cute distraction like the one Im carrying here LOL), it sometimes seems like it isn’t there,” kwento ni Andi.
Dagdag naman ni Andi, mula pa kay Ellie ay mayroon na daw siya nito. Pero, hindi dw ito hadlang para magsuot ng mga cropped tops at bikini.
“I’ve grown to be more comfortable and proud of them because hey! This body has done amazing things. It carried my 2 beautiful girls for 9 months, and gave birth to them safely too! I hope you guys will realise that too ,” paliwanag pa ni Andi.
Wala nga namang dapat ikahiya sa mga markang ito dahil ito ay marka ng sake!pisyo para sa iyong mga anak.
Source: Trending Planet
0 Comments