Usap-usapan ngayon sa online ang dating PDA star/singer na si Ronnie Liang, matapos siyang maispatang matapang niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang frontliner.
Namataan na nakaduty ang singer, sa boundery ng Valenzuela City at Bulacan. Suot ang kanyang uniporme, at mga safety gears panlaban sa Covid-19 ay hindi ininda ni Ronnie ang init at pagod magampanan lamang ang pagiging isa niyang frontliner.
Humanga naman ang maraming netizens sa singer, dahil sa kabila ng maaaring malagay sa panganib ang kanyang buhay dahil sa kumakalat na Covid-19 ngayon, ay hindi ito nagdalawang-isip at matapang ngang humarap bilang isa sa mga fronliner na nagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan.
Sa kanyang Instagram, ay nagbahagi rin si Ronnie ng kanyang larawan na kuha habang siya ay naka-uniporme at nasa duty ng pagiging isang frontliner. Kalakip ng larawan ng singer ay ang nilagay niyang caption na; Check Point Duty!
#EnhanceCommunityQuarantine#stayhome #stayhealth#staysafe#ParasaBayan #socialdistancing#FightCovid19 #army #armor #covid19 #staysafe #flattenthecurve#liutenant #reservist
Matatandaan na noong February 16, ay isinulat ng ABS-CBN na ang hitmaker ng awit na “Ngiti”, ay nagtapos na sa Mechanized Infantry Operations Training (MIOT) sa ilalim ng Armor “Pambato” Division sa Tarlac. Ngayon nga ay 2nd Lieutenant na si Ronnie Liang ng Philippine Army.
Ibinahagi din noon ni Ronnie na ang naging pangyayari sa Marawi ang nagtulak sa kanya upang pumasok sa army at paglingkuran ang ating bayan.
“Started 2018 pa, pero wala akong sinabihan.I actually volunteered. I said na gusto kong maging parte syempre to serve the country, to help the community lalo na sa panahon ng pangangailangan.
Remember Marawi siege?, yun ang pag gising sa akin na kailangan talaga natin magtulungan as a nations.”, ang pahayag pa noon ni Ronnie.
Ayon din sa singer, mahirap man ang naging military training niya, ” at the end of the day ay iniisip na lang niya na malaki ang maitutulong nito sa kanyang karakter bilang isang tao at ang pagmamahal niya sa kanyang bayan.
Ngayon nga, bilang isang frontliner na handang ipagsapalaran ang sariling kalusugan at buhay ay matapang na hinaharap ni Ronnie ang hamon kontra Covid-19 upang magbigay ng serbisyo sa taong bayan at gampanan ang tungkulin na kanyang sinumpaan.
Source: Famous Trends
0 Comments