Sa pag-aaral, bahagi ng pag-aaral ang pagkuha ng marka o grado sa bawat subjects na kinukuha natin. Ito ang nagiging produkto ng bawat trabaho, projects at exams sa isang buong semestre.
Kaya naman, marami talaga ang nagsusun0g ng kilay sa pag-aaral. Kapag nga naman ikaw ay nagsipag, malaki ang posibilidad na makakakuha ka ng mataas na grado.
Ibinahagi sa atin ni Miss Universe 2011 3rd runner up Shamcey Supsup ang kanyang college transcript at makikita ang kanyang mga grado.
Napakatalino nga naman talaga ni Shamcey. Kaya nakilala siya sa kanyang pagiging beauty and brains. Siya ay nagkamit ng parangal na magna cum laude at naging board topnotcher sa pagiging arkitekto.
Dito naibahagi ni Shamcey na siya daw ay naging grade conscious. Hindi niya daw talaga ito maiwasan dahil ito ang kanyang nakalakihan.
“I grew up to be really “grade conscious” or “GC” for short. It didn’t matter if I really learned anything as long as I get the grade, I was fine,” saad ni Shamcey.
Ayon kay Shamcey, wala naman talaga sa grado iyan. Hindi lahat ng kinabukasan natin ay nakasalalay sa taas ng ating mga grado kundi sa natutunan. Sadyang ang mga gradong ito ay nagiging produkto lamang ng ating ginagawa.
“But now, I am more than certain that grades are not everything. Grades should be a byproduct of learning. And what you do with that knowledge is MUCH more important than what is on your report card,” dagdag pa niya.
Sa kabila nito, pabiro pa ding sinabi ni Shamcey. “On a serious note though: Sino ba tong Prof. ko sa History of Architecture? Panira ng transcript eh! [“Who was my professor in History of Architecture? My grade ruined the transcript!”]”
Ang grado o marka ay hindi pamantayan ng talino. Walang masama na makakuha ng mataas na grado hanggat nangingibabaw ang moral sa pagkuha nito. Sabi nga ng eskwelahan kung saan nagtapos si Shamcey sa Unibersodad ng Pilipinas, Honor and Excellence.
Source: Trending Planet
0 Comments