Kasabay ng pagpaplano at paghahanda nina Vic Sotto at Pauleen Luna noon, ay ginagawa na rin pala ang magiging tahanan ng mag-asawa at ito ay isang Contemporary Home na matatagpuan sa Laguna.
Pinaubaya ni Vic sa kanyang asawang si Pauline ang pag-aasikaso sa kung ano ang nais nito pagdating sa disenyo at materyales na gagamitin sa kanilang tahanan. At ang tanging sinabi lang nito kay Pauline na nais niya sa kanilang tahanan, ay ang magkaroon ito ng mga paintings at halaman, nais din niya na magmukha itong malinis at kaaya-aya sa paningin.
Isang taon at kalahati ang ginugol na panahon upang tuluyang matapos ang kabuuan na tahanan ni Vic at Pauleen. Hindi umano minadali ng mag-asawa ang pagpapagawa nito, dahil binusisi nilang mabuti ang mga materyales na gagamitin dito, at nais din nila na masunod mismo kung ano ang nasa plano nito.
Katulong ni Pauline sa pag-aasikaso at pag-aayos ng kanilang tahanan ang isang arkitekto at mga professional designer, upang masigurado na tama ang materyales at kagamitan na gagamitin dito. Narito ang ilang detalye sa mga parte ng tahanan ng mag-asawang Vic at Pauline;
FAÇADE
Ang tahanan na ito nina Vic at Pauline ay matatagpuan sa isang posh village sa Laguna, kapansin-pansin agad ito dahil sa laki nito at dahil wala itong gate ay agad itong mapapansin ng mga dumaraan dito. Napapalibutan rin ito ng mga halaman at puno na nagbibigay ng maganda at maaliwalas na tanawin dito.
FOYER
Pagpasok naman sa loob ng tahanan, ay mapapansin agad na napaka-aliwalas at luwang tignan nito dahil na rin sa mataas nitong ceilings. Malaki rin ang mga binata nito, kaya naman ang natural na liwanag na nagmumula sa sikat ng araw o liwanag ng buwan ay pumasok dito na kung saan ay ito talaga ang nais ni Vic.
Makikita rin sa isang pader ang mga paintings na likha ng pintor na si Arturo Luz, at ito umano ay tribute para sa National Artist for Visual Arts. Sa katunayan ay mayroon ditong tatlumpung paintings na likha ng pintor at ang ilan sa mga ito ay sinasabing mga rare pieces.
LIVING AREA
Makikita naman sa parting ito ng tahanan ang malaking chocolate leather couch, maari rin itong gawin higaan upang makapag relax kung sino man ang nais magpahinga rito.
Ang isang pader naman sa parting ito ng tahanan, ay mas pinaganda pa ng pinta ni Atanacio Peferanda Austria. Ayaw umano ni Pauline na magmukhang madilim ang loob ng kanilang tahanan.
kaya naman naglagay siya ng stainless steel floor lamp na binili niya sa Super Archimo, sa may isang sulok upang magbigay liwanag sa kanilang living room maliban nga sa natural na liwanag na tumatagos sa binata na mula sa araw o buwan. Matatagpuan rin dito ang isang coffee table na mula naman kay Vito Selma, isang furniture designer.
DINING AREA
Tatlong sliding door naman ang makikita sa may dining area ng tahanan ni Vic at Pauline, kung saan ay accessible ang mga ito san ilang parte ng kanilang tahanan. Iilan lang din ang dekorasyon na makikita rito, at ang ilan sa mga ito ay ang napakagandang ilaw na binili sa Keystone.
Makikita rin dito ang isang customized dining table na mula sa Narra, at ginawa ito ng isang local furniture manufacturer. Gawa ito sa tatlong maliliit na lamesa, na pinagsama-sama upang makagawa ng isang malaking lamesa, ang mga magaganda at klasikong silya naman ay mula sa Crate & Barrel.
Ilan pa sa mga displayed na makikita sa dining area, ay ang mga gawa ni Paulina Sotto, isa sa mga anak ni Vic na isang upcoming artist at apo rin ito ni Arturo Luz.
KITCHEN
Maluwag at malinis naman ang kusina ng tahanan nina Pauline at Vic, may sliding door rin dito na patungong naman sa Lanai at Foyer. Marami rin ditong mga cabinets, drawers at mga kitchen island, kaya naman napaka-organized ng mga kagamitan rito. Ang mga drawers at cabinets ay mula sa mahogany, kaya naman bagay ito sa palette na kulay ng kitchen.
Mayroon din dining 6-seaters din table, na kung saan ay makakapag-enjoy ang mga kumakain rito habang nanonood ng TV.
Makikita rin dito ang mga mamahaling kitchen appliances. Ayon pa kay Pauline, minsan ay nagluluto rin siya sa kanilang kitchen, ngunit mas madalas na ang kanilang cook ang gumawa nito lalo na kung busy ang kanyang schedule sa trabaho.
BATHROOM
Isang malaking bathroom naman mayroon ang ground floor ng tahanan na ito, kung saan ay mayroong scented candles sa loob nito na nagbibigay rito ng nakaka relax na pakiramdam. Makikita rin dito ang isang tufted bench at painting na likha ni Paulina Sotto.
Sa ikalawang palapag naman matatagpuan ang 2nd bathroom, na ang disenyo at ayos ay madalas nating nakikita sa mga mamahaling hotel suites.
STAIRCASE
Ang hagdanan naman ang nagsisilbing daanan patungo sa ikalawang palapag ng tahanan, sa kaliwang bahagi nito ay naroon ang master’s bedroom at sa kanang bahagi naman nito ay mayroon pang tatlong silid-tulugan.
Makikita rin sa may bandang sliding glass door na patungo sa veranda ng tahanan, ang ilang mga religious icons.
BEDROOMS
Mayroon ding extra bedroom sa tahanan na ito ni Vic at Pauleen ito ay inilaan nila upang maging silid ng kanilang mga magiging anak. Ngunit pansamantala, nagsisilbi muna itong guest room sa tuwing may mga bisita sila.
Ang bawat bedroom ay mayroong napakalambot na higaan, at sa tabi ay may side table. Mayroon ding sari-sariling bathroom ang bawat silid at tanaw na tanaw din mula sa mga silid na ito ang napakagandang view sa labas.
VERANDA
Mula naman sa veranda ay natatanaw ang swimming pool at golf course sa kanilang bakuran. Ang lugar na ito sa tahanan ang isa sa pinaka relaxing, kaya naman dito madalas kumain ng agahan ang mag-asawa habang ine-enjoy ang tanawin ng magandang kapaligiran.
Source: Famous Trends
0 Comments