Alamin Kung Gaano Kayaman Ang Sikat Na Aktres Na Si Maine Mendoza

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala kay Maine Mendoza, dito sa ating bansa. Siya ay kilala bilang “Dubsmash Queen” at bilang “Yaya Dub” naman sa segment niya sa isang noontime show.




Marami sa atin ang humanga at natutuwa sa kanya dahil sa kanyang personalidad na napaka-jolly at madalas din siyang gumagawa ng mga funny videos na nagbibigay kasiyahan sa marami sa atin.

Image Credit via Google

Ngunit alam niyo ba na bago pa pumasok si Maine sa showbiz, at makilala bilang isa sa mga sikat na artista dito sa ating bansa ay mula na talaga siya sa upper-middle class family o mayaman na pamilya?

Image Credit via Google

At kung noon pa nga ay mayaman na talaga si Maine, gaano pa kaya siya kayaman ngayon na isa na siyang artista at kabi-kabila ang kanyang mga TV Endorsement?

Image Credit via Google

Bago pa man pumasok sa industriya ng showbiz ang aktres/host/endorser na si Maine Mendoza, ay nag-aral siya at naging estudyante ng isa sa pinaka kilalang paaralan na may pinakamahal na matrikula at ito ay sa De La Salle – College of Saint Benilde.

Image Credit via Google

Hindi nga magiging kataka-taka na sa isang mamahaling kolehiyo nag-aral si Maine, sapagkat mula siya sa upper-middle class family na kayang-kaya bayaran ang mamahaling matrikula sa isang kilalang paaralan.

Ang kanyang mga magulang ay mga negosyante, at ilan sa negosyo ng kanilang pamilya ay gasoline station. At alam niyo ba na kapag ang isang pamilya ay may petroleum business, ibig sabihin lamang nito ay talagang may-kaya o mayaman ang pamilyang ito.

Alam rin nating lahat na napakaraming ine-endorso ng produkto ni Maine, ngunit maliban dito isa rin ang aktres sa nagmamay-ari ng isang branch ng kilalang fast food chain, at ito ay ang McDonald’s Branch sa Sta. Clara, Bulacan.

Hindi basta-basta ang perang kailangan para makapag Franchise ng ganitong branch ng fast food chain, dahil halagang 30-50 million pesos.

Ayon sa isang Youtube Channel na “STARS NEWS ASIA”, noong September 2017 ang networth na ni Maine Mendoza ay umabot na sa $12 million, na kung sa Philippine money ay tinatayang aabot ito ng Php 606,980,273.14 bawat taon.

Sinasabi rin na na-awardan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Maine bilang “Top Regional Individual Taxpayer.” Nagpapatunay lamang ito na “Dubsmash Queen” ay isa sa mga responsableng mamamayan na nagbabayad ng kanyang buwis, at hindi nga biro ang buwis na binabayaran niya sa ating bansa.




Ngunit kung hindi pa rin kayo kumbinsido kung gaano kayaman si Maine, ay narito pa ang ilan sa mga nakuha nating impormasyon tungkol sa kung magkano ang kinikita ng aktres.
Ayon pa nga sa ulat ng KAMI, kumikita rin umano ang aktres ng higit sa Php87,985,540 sa kanyang mga product endorsement.

Kaya kung susumahin nga naman ang lahat ng pinagkukunan ng income ng aktres, mula sa kanyang pag-aartista hanggang sa kanyang mga negosyo, hindi nga maikakaila na isa si Maine Mendoza sa pinakamayamang artista sa kanyang henerasyon.



Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments