Narito Ang Mga Pilipino Na Nagbigay Karangalan Sa Pilipinas Sa Larangan Ng Sports

Marami na sa ating mga kababayan ang nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Mga manlalarong Pinoy na nakapagbigay ng gintong medalya at naging kampeon sa iba’t ibang larangan. At ang pinaka bago sa mga manlalarong ito ay sina Caloy Yulo at Nesthy Petecio.




Noong nakaraang linggo nga lang ay ibinalita ang pagiging kampeon ni Caloy sa isang World Artistic Gymnastics Championship na ginanap sa Stuttgart, Germany.

Image Credit via Google

Si Caloy ang itinanghal na kampeon at nakatanggap ng gintong medalya kung saan ito ay nagbigay ng abo’t abong saya sa ating mga Pinoy lalong lalo na sa kanyang pamilya
Sa edad na 19 si Yulo ang kauna-unahang Pinoy na nagwagi at nagbigay ng karangalan sa ating bansa pagdating sa larangan ng gymnastics.

At hindi pa nga lumilipas ang 24 oras ng nagwagi at itanghal na kampeon si Yulo, ay isa lamang magandang balita ang inihayag. Ito ay ang pagkapanalo ni Nesthy Petecio sa isang Aiba Women’s Boxing World Championship na ginanap naman sa Ulan-Ude, Russia.

Kung saan ay natalo ni Petecio ang kanyang kalaban na si Ludmila Vorontsova . Kaya isang malaking karangalan muli sa ating bansa ang binigay ng dalawang atletang Pinoy.

Ilan rin sa Pinoy na nagbigay ng karangalan sa ating bansa sa larangan ng boksing ng mga kalalakihan ay sina Manny “PACMAN” Pacquiao, Nonito Donaire Jr., Jerwin Ancajas at ang bagong Pinoy na nag kampeon na si Pedro Taduran.

Sa boxing naman ng kababaihan, pitong taon bago ang naging panalo ni Petecio ngayon ay naging kampeon din at nagbigay ng karangalan si Josie Gabuco na nagwagi taong 2012 sa China.

Karamihan naman sa mga naiuwing kampeon ng mga manlalarong Pinoy ay ang mga laro sa boxing, bowling at billiards, at ang pagkapanalo ni Yulo bilang isang kampeon sa gymnastics ay isang bagong record na naman ng laro na maaaring idagdag sa mga listahan na magka kampeon ng mga Pinoy.

Narito pa ang ilan sa mga manlalarong Pinoy na nagbigay ng karangalan sa ating bansa.

BOXING

Image Credit via Instagram

pancho Villa, Anthony Villanueva, Gabriel ‘Flash’ Donaire at ang pambansang kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao

Image Credit via Instagram

BILLIARDS

Image Credit via Instagram

Efren “Bata” Reyes (1999), Ronnie Alcano (2006), Ruben Amit (2009), Francisco ‘Django’ Bustamante (2010), at si Carlo Blado (2017)

Image Credit via Google

BOWLING

Image Credit via Instagram

Rafael ‘paeng’ Nepomuceno, Lita dela Rosa, Bong Coo, CJ Suarez, Biboy Rivera at Krizza Tabora Noong 2018 naman sa ginanap na Jiu Jitsu World Championship sa Malmo, Sweden ay naging kampeon ang Pinoy na si Meggie Ochoa.




May mga Pinoy rin sa larangan ng taekwondo na nagwagi, sa larangan naman ng golf ay sina Jennifer Rosales at Dorothy Delasin ang mga Pinay na nagwagi noong 2008 Women’s world Cup of Golf kahit pa nga ang golf ay hindi isang Olympic sport, isa pa rin itong karangalan sa ating bansa.



Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments