Kilalanin Ang Mga Artista Na Ine-Enjoy Ngayon Ang Buhay Ng Pagtatanim At Pag Haharvest Ng Mga Prutas At Gulay

Sa panahon ngayon ay napatunayan ng marami sa atin, na mahalaga ang magkaroon ng kahit mumunting hardin o taniman sa ating bakuran kung saan ikaw ay nakakapag tanim ng mga iba’t-ibang prutas o gulay upang sa oras ng tagutom o kahirapan ay siguradong mayroon kang maaani at mapagkukunan ng iyong makakain at maihahain sa iyong pamilya.

Maging ang ilang mga artista ay ine-enjoy na rin ang pagtatanim ng mga gulay at prutas. Narito ang ilan sa mga artista na makikita natin enjoy ang pagtatanim at pag-gagardening;

GABBY CONCEPCION

Photo Credit: concepciongabby/Instagram

May pagmamay-aring farm si Gabby Concepcion sa Lobo, Batangas at sinisigurado niya na, nasa maayos na pangangalaga ang kanyang mga tanim na punong kahoy at alagang hayop upang makapag-poduce siya ng maraming produkto tulad na lamang ng makikita sa larawan na bitbit niyang isang kaban ng saging.

MYLENE DIZON

Photo Credit: missmylenedizon/Instagram

Sa loob naman ng bakuran ng kanyang tahanan matatagpuan ang taniman ng prutas at gulay ni Mylene. Pagmamahal, oras at tiyaga ang ibinuhos ng aktres sa kanyang mga tanim upang mapalago at mapabunga ang mga ito.

NERI NAIG

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Sa kanyang hardin naman, inaani ni Neri naig ang mga sariwang gulay at prutas na inihahain niya sa kanyang asawang si Chito Miranda, at kanilang anak na si MIggy.

COCO MARTIN

Photo Credit: mr.cocomartin/Instagram

Nagmamay-ari naman ng isang mini-farm ang aktor na si Coco Martin, at ipino-promote niya sa kanyang mga followers ang pagtatanim ng mga gulay at prutas sa kanilang mga tahanan.

CHESCA GARCIA

Photo Credit: chekakramer/Instagram

Si Cheska naman mismo ang nangangalaga sa mga tanim niyang gulay sa bakuran ng kanilang tahanan, at tuwang-tuwa siya kapag nakakapagharvest siya ng mga gulay rito.

DJ SEMERAD

Photo Credit: djsemerad/Instagram

Sinong mag-aakala na ang professional basketball player na DJ Semerad ay mahilig din sa farming? Ngayon ay ine-enjoy ng basketbolista ang simpleng buhay sa isang rural area sa probinsya ng Batangas.

kung saan ay nagpagawa siya dito ng isang simpleng cabin at nagtanim rin siya sa bakuran niya ng ilang halaman tulad ng chilli pepper, tomatoes, ilan pang prutas at mga bungang-kahoy.



Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments