Charlene Gonzales, binalikan ang masayang ala-ala noong kaniyang pre-med days

Isa sa talaga nga namang napakasarap sariwain at masayang balik-balikan ay ang mga masasayang ala-ala na nabuo mula sa ating kabataan.


Credit: @itsmecharleneg on Instagram

Ito man ay mapa-larawan o video ay tunay ngang kakaiba ang hatid na kaligayahan nito, sa tuwing babalikan ang masasayang karanasan ng ating buhay.

Kaya naman ang dating Miss Universe Philippines titlist at aktres na si Charlene Gonzalez, ay masayang binalikan ang kaniyang nakaraan buhay at ibinahagi ang isa sa masasayang tagpo ng kaniyang college life.


Credit: @itsmecharleneg on Instagram

Nito lamang ika-8 ng Marso, araw ng Miyerkules, ay ibinahagi ni Charlene ang isang larawan na kuha mismo noong kaniyang internship sa isang kilalang ospital sa Quezon City.

Ito ay ang lumang litrato noong pre-med days ng aktres sa University of Santo Tomas, na kung saan siya ay college student at kasama niya rito ang ilan sa kaniyang mga naging kaklase noon.


Credit: @itsmecharleneg on Instagram

Aniya, “Major throwback. In braces & a pre-med college student at the time. One of my classmates from my university, UST days sent me this picture that was taken during our internship in St Luke’s hospital, Quezon City. Which was one of our requirements in school.”

Binahagi rin ni Charlene na labis siyang nag-enjoy sa kaniyang internship noon, dahil nagawa nila umanong mabisita at makipag-bonding sa mga pasyente ng nasabing ospital.


“I enjoyed it very much as we were given the chance to visit patients and spend time in the hospital… Just sharing a happy moment in time with you all.” saad ng aktres.

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na nakapagtapos ng B.S. Psychology si Charlene sa University Santo Tomas, at nasundan pa ng one-on-one Mentorship Program in Business Management and Entrepreneurship na kaniyang kinuha naman sa Asian Institute of Management.


Credit: @itsmecharleneg on Instagram

Bukod pa rito ay nakapag-aral rin si Charlene sa Harvard Business School sa US at kinuha ang kursong Business Management Entrepreneurship.

Ang nasabing post ng aktres ay agad hinangaan at umani ng maraming komento mula sa mga netizens, maging ang ilan pa sa mga naging classmate at schoolmate noon ni Charlene, ay ibinahagi rin ang kanilang hindi malilimutang tagpo sa dating beauty queen.


Credit: @itsmecharleneg on Instagram

“I have fond memories with you in UST from enrollment in Main Bldg. and when you were in court playing basketball We have the same batch. Share ko lang. ☺🙋‍♀️

“I used to watch your games with the College of Science Women’s basketball team. And always on kilig mode when I see you along the corridors of the Main building. Batch 98 here 😊


Credit: @itsmecharleneg on Instagram

“Still remember sharing lab rooms with your class sa rooftop ng main building sa USTe. We will wait outside until your class finished. My epic move was wait na lumabas ka ng toilet cubicle so I can seat in the same toilet you used 😂😂😂. You’re one of the most charming and humble celebrities in UST that time 😊 Beautiful and mabango khit nag basketball”.

“Bagay our queen…beauty and brain.❤🙌

“Those were the days. It’s so nice to see this one of the old memories ❤

The post Charlene Gonzales, binalikan ang masayang ala-ala noong kaniyang pre-med days appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments