Janella Salvador at Markus Paterson, magkasamang ipinagdiwang ang kaarawan at binyag ng kanilang anak na si Jude Trevor

Nito lamang Setyembre nang kumpirmahin ng aktor na si Markus Paterson ang kanilang naging hiwalayan ng kaniyang dating kasintahang aktres na si Janella Salvador.


Credit: @niceprintphoto on Instagram

Ang balitang ito ang naging usap-usapan sa publiko at patuloy na nag-iiwan ng iba’t-ibang espekulasyon at reaksyon mula sa mga netizens.

Ngunit sa kabila ng kanilang hiwalayan ay hindi naman dito natatapos ang pagiging isang supportive at loving parents ng dalawa sa kanilang anak.


Credit: @markus on Instagram

Sa katunayan nga nito ay isang napakasayang pagdiriwang ang inihanda ng dating magkasintahan para sa selebrasyon ng ikalawang taong kaarawan at binyag ng kanilang anak na si Jude Trevor.

Sa pagdating ni Baby Jude ay tila mas naging makulay at masaya ang buhay nina Janella at Markus bilang mga magulang sa kanilang baby boy.




Credit: @markus on Instagram

Kaya naman kahit hindi nauwi sa happy ending ang kanilang pagsasama, ay makikita pa rin ang mabuting co-parenting relationship ng dalawa.

Nito lamang October 20, nang maganap ang 2nd birthday celebration ni Baby Jude, na sinundan pa ng kaniyang binyag na kung saan ay makikitang nagkasama ang dalawa para sa kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Markus Paterson (@markus)


Sa mga litratong kuha ng Nice Print Photography, ay makikita ang napakaganda at napakasayang selebrasyon ng kaarawan at binyag ni Baby Jude, na siyang dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


Sa Instagram video at mga litrato na ibinahagi ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio, ay makikitang bukod sa napakasayang event ay mapapansin rin na walang ilangan sa pagitan nina Janella at Markus, bagkus ay mababakas sa kanilang mukha ang labis na kasiyahan para sa kanilang anak.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan at binyag ni Baby Jude, ay isang taos pusong mensahe ang ibinigay ng dalawa sa kanilang magkahiwalay na Instagram post.


Credit: @markus on Instagram

Sa video na ibinahagi ng aktres, ay makikitang muling binalikan ni Janella ang kaniyang naging pregnancy journey sa pagdating ni Baby Jude sa kaniyang buhay.

Aniya, “2 years ago I was given the honor of bringing this little angel to life on earth. My best buddy for life.”

Ganito rin ang naging taos pusong mensahe ni Markus nang ibahagi naman niya ang kaniyang naging fatherhood journey kasama ang kaniyang soon-to-be basketball buddy na si Jude.


Credit: @markus on Instagram

Ayon sa aktor, “Here comes my son. Hard to believe 2 years has gone by so quick. To you my son, my life force, my everything. Happy birthday, if only you could comprehend the love I have for you. As much as I want you to be my little man forever I can’t wait to watch you grow. Love you always and forever. (p.s one day you’ll be able to guard me sa basketball)”

The post Janella Salvador at Markus Paterson, magkasamang ipinagdiwang ang kaarawan at binyag ng kanilang anak na si Jude Trevor appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments