Ellen Adarna, ibinahagi ang kasiyahan sa napakaganda at mamahaling surpresa sa kanya ng kanyang asawa na si Derek Ramsay

Tunay nga na hindi magiging basehan ang tagal at lalim ng pinagsamahan para sa dalawang taong tunay na nagmamahalan.


Credit: @maria.elena.adarna on Instagram

Ganiyan nga ang pinatunayan ng celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay, na talagang ‘happily married’ ang pagsasama bilang mag-asawa.

Marami man ang nasorpresa sa biglaang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa at sa kanilang mabilis na pagpapakasal makalipas ang ilang buwan na relasyon, ay tila naging saksi naman ang publiko sa matamis na pag-iibigan ngayon ng dalawa at sa kanilang masayang pagsasama bilang mag-asawa.


Credit: @maria.elena.adarna on Instagram

Talaga nga namang pinatunayan ng aktor na si Derek na isa sa pinakamagandang desisyon ng kanyang buhay ang piliing makasama sa h!rap at ginhawa ang aktres.

Kaya naman hindi nakapagtataka na ganoon na lamang rin ang kaniyang pagpapakita ng labis na suporta at pagmamahal sa kanyang asawa.


Credit: @ramsayderek07 on Instagram

Tulad na lamang ang isang napakaganda at bonggang sorpresa na inihanda ni Derek para sa nalalapit na pagdiriwang ng kanilang 1st wedding anniversary ni Ellen, na siyang gaganapin sa November 11, 2022.

Halos dalawang buwan pa nga ang hihintayin bago ang naturang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo bilang mag-asawa, ngunit ang aktor ay tila excited na nga para rito.


Credit: @ramsayderek07 on Instagram

Dahil isa lang naman bongga at napakagandang brand new Bentley car ang siyang iniregalo ni Derek para sa kanyang “love of my life”.

Ang magandang sopresa na ito ay ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram, kalakip ang isang matamis na mensahe para sa kanyang misis.


Credit: @ramsayderek07 on Instagram

Aniya, “Advanced happy anniversary to the love of my life. Thank you for giving me so much love. I’ve really found true happiness. I love you so much!!!! So so much!!”

Ang mensahe niyang ito ay agad rin namang binigyan ng isang matamis na mensahe ni Ellen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)


“I like it, but you know my love language is physical touch and quality time soooo your hugs and kisses are myyyyy number 1 ❤ I love youuuuuu. I know ull Enjoy driving my car nyahahhahahahahahahahahahaha” saad nito.

Sa video ay makikita ang isang Bentayga Range na kung saan maliban sa magandang sasakyan na ito ay one-of-a-kind rin ang nasabing kulay nito.




Credit: @ramsayderek07 on Instagram

At kung tatanungin ang naging reaksyon ni Ellen sa kanyang bagong sasakyan ngayon, ay makikita naman ang labis na tuwa sa mukha ng aktres, na ayon pa sa kanya ay mas kailangan rin daw niya ang driver.

“Yeah but you’re the one driving. I need a driver, too”.


Credit: @ramsayderek07 on Instagram

Sa napakaagang sorpresang regalo na ito ni Derek, ay marami nga sa kanilang mga fans ang napa-sana all na naman at labis na kinilig para sa dalawa.

The post Ellen Adarna, ibinahagi ang kasiyahan sa napakaganda at mamahaling surpresa sa kanya ng kanyang asawa na si Derek Ramsay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments