Angeline Quinto, ipinasilip ang kanilang masayang bakasyon sa Tagaytay kasama ang kanyang buong pamilya

Napakasarap nga naman talaga sa pakiramdam na mamasyal at makapagbakasyon sa mga naggagandahang lugar sa loob at labas ng ating bansa.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ngunit wala ng mas igaganda pa kung makakasama sa iyong paglalakbay, ang iyong pamilya at mahal sa buhay sa pagbisita sa mga magagandang pasyalan na ito sa Pilipinas.

Kaya naman ang singer-actress at first time mom na si Angeline Quinto ay masayang namasyal kasama ang kaniyang pamilya, sa kilalang pasyalan at talaga namang dinadayong lugar ng mga turista ang Tagaytay City.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa panibagong vlog ng celebrity mom sa kaniyang YouTube Channel na Love Angeline Quinto, ay dito masayang ibinahagi ni Angge ang kanilang napakasayang Tagaytay Trip.

Kasama ang kaniyang non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina at kanilang anak na si Baby Sylvio ay kanilang binisita ang ilan sa mga kilala at dinadayong kainin sa Tagaytay.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ilan sa kanilang binisita ay ang Pink Sisters Convent na kung saan isa ito sa mga pinupuntahang simbahan noon ni Angge bukod sa Our Lady of Manaoag at Tierra De Maria.

Aniya, “Every time kasi na pupunta ko sa Tagaytay, hindi pwedeng hindi kami dumadaan sa isang simbahan dito.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Tila nakagawian na nga ng celebrity mom ang pagbisita sa mga kilalang simbahan, kaya naman hangad rin niya para kay Sylvio na makasanayan rin nito ang pagdalaw sa mga simbahan na kaniyang pinupuntahan.

“Sana paglaki niya makasanayan niya din yung mga ganito, na every time na dadalaw siya ng Tagaytay, ganito rin dadaan muna siya sa mga simbahan na kilala dito.” saad nito.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Matapos nito ay sinubukan rin nilang puntahan ang kilalang museo sa Tagaytay ang Museo Orlina, na kung saan ay dito makikita ang mga kahanga-hangang obra ng local at international multi-awarded glass sculpture artist na si Ramon Orlina.

Ayon pa kay Angge ay matagal na niyang pangarap na makapagpagawa ng glass sculpture hindi lamang para sa kanilang altar kundi para na rin sa kaniyang Mama Bob.

Kuwento pa nito, “Dream ko talaga na makapagpaggawa ng ganito para sa altar, gusto ko talaga at about Mama Bob.”

“Gusto ko pagpasok ng bahay, kung saan mang bahay na mapapagawa pa natin, gusto ko talagang magkaroon ng isang picture ng Mama Bob na gawa ng isang artist dito sa Pilipinas,” dagdag pa niya.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sunod namang binisita nina Angge ang Nurture Wellness Village at Farmer’s table sa Barangay Maitim, sa Tagaytay, Cavite, na kung saan ay dinadayo rin ito ng mga turistang gusto magpa-massage at matikman ang isa sa mga ipinagmamalaking filipino and international cuisines.

The post Angeline Quinto, ipinasilip ang kanilang masayang bakasyon sa Tagaytay kasama ang kanyang buong pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments