Rocco Nacino, ibinahagi ang nararamdamang saya at excitement sa kanilang magiging baby

Kinilala si Enrico Raphael Quiogue Nacino o mas kilala bilang si Rocco Nacino bilang isa sa mga mahuhusay at kilalang aktor sa industriya ng showbiz.


Credit: @nacinorocco on Instagram

Magmula sa mga pelikula at teleserye na kanyang ginampanan, ay hindi kataka-takang marami ang napahanga sa nakakabilib na talento at husay na aktor sa larangan ng pag-arte.

Kaya naman ngayon ay tila isa ngang panibagong role ang kanyang pagbibidahan, na kung saan ay walang kamera at mga kapwa aktor ang siyang kanyang makakasama, kundi ang pinakamamahal na asawang si Melissa Gohing ang magsisilbing kapareha ni Rocco sa role na ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)


At ang role nga na ito na kanyang gagampanan ay ang pagiging isang soon-to-be daddy sa kanilang baby boy ni Melissa.

Ika-6 ng Mayo ngayong taon ng simulang ibahagi ng mag-asawa sa kanilang vlog ang pagbubuntis ni Melissa sa kanilang panganay na anak.


Credit: @nacinorocco on Instagram

At sa magandang balitang ito ay mababakas sa kanilang dalawa ang labis na kaligayahan sa nalalapit na pagdating ng kanilang anak na tinawag pa nga ito ni Rocco bilang “new terror” baby.

Kahit hindi pa man tuluyang naipapanganak ni Melissa ang kanilang baby boy, ay hindi naman naging hadlang ito upang alalahanin at batiin ang asawa sa nagdaang pagdiriwang ng Father’s Day.


Credit: @nacinorocco on Instagram

Sa isang video compilation na ibinahagi ng volleyball player na si Melissa, ay makikita ang ilan sa mga memorable at sweet moment nila ng kanyang asawa pati na rin ang pagiging maalaga nito.


Makikita rin sa video kung gaano kasaya at excited si Rocco sa tuwing kanyang mapapakinggan ang heartbeat, pati na rin ang panaka-nakang pags!pa ng kanilang anak sa tiyan ng kanyang mommy.




Credit: @nacinorocco on Instagram

Tila kahit hindi pa man lumalabas ang kanilang baby boy, ay makikita na agad ang pagiging hands-on nito lalo pa kung tuluyan na nga nilang nakasama ang kanilang anak.

Ayon sa iniwang caption ni Melissa sa kanyang Instagram post, “I know you are going to be the best Daddy! I love you mi amor! ❤

The post Rocco Nacino, ibinahagi ang nararamdamang saya at excitement sa kanilang magiging baby appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments