Jodi Sta. Maria, ibinahagi ang masayang bakasyon sa iba’t ibang mga bansa kasama ang anak na si Thirdy

Sa bawat taong lumilipas ay tila naging tradisyon na para sa aktres na si Jodi Sta. Maria at ang kanyang unico hijo at favorite travel buddy na si Thirdy Lacson ang pagbisita at pagbabakasyon sa iba’t-ibang mga bansa.


Credit: @jodistamaria on Instagram

Matatandaang sa pagpasok pa lamang ng unang linggo sa buwan ng Hunyo nang ibahagi ng celebrity mom ang kanilang paglipad sa Amsterdam, upang simulan at bumuo ng masasayang memories mula sa kanilang European vacation kasama ang kanyang anak.

Tunay ngang sa kabila ng mga natatanggap na proyekto sa kanyang showbiz career, ay labis na sinusulit ni Jodi ang makapagbakasyon sa ibang bansa at ito na rin ang kanyang nagsilbing pahinga upang makapag-enjoy at makapag-relax, lalo na’t sa katatatapos pa lamang ng kanyang ginawang Kapamilya teleserye ang blockbuster series na “The Broken Marriage Bow”.


Credit: @jodistamaria on Instagram

Talaga nga namang makikita ang kasiyahan sa mukha ng aktres nang libutin nila ng kanyang “favorite travel buddy” ang ilan sa mga naggagandahang tourist spot sa mga bansa at lugar na kanilang binisita.

Aniya, “I do believe it’s time for another adventure with my favorite travel buddy.”


Credit: @jodistamaria on Instagram

Nito lamang ika-16 ng Hunyo nang ipagdiwang ni Jodi ang kanyang 40th birthday at masayang-masaya ang aktres na nakasama niya ang kanyang anak na si Thirdy, upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan mula sa kanilang mga lugar na binisita tulad na lamang ang Netherlands, Hungary, at Czech Republic.

“40. So far it’s been a great year for me. And as I cross the mid-point of my life, it’s grounded me in new ways.”




Credit: @jodistamaria on Instagram

“Stay calm and realize it’s okay not to have everything figured out. Consciously remind myself to be grateful in every situation and cast my cares on the Lord. Thank You Lord for the gift of life.” saad ng aktres sa kanyang post habang siya ay nasa tapat ng St. Vitus Cathedral, na kung saan isa ito sa itinuturing na pinakamalaking templo sa Prague, Czech Republic.

Ngunit tila hindi pa diyan natatapos ang masayang bakasyon ng mag-ina dahil nito lamang June 29, ay nagbahagi muli si Jodi ng litrato nila ni Thirdy sa harapan ng famous Burj Al Arab hotel na matatagpuan sa Dubai, United Arab Emirates.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


Nilakipan rin niya ito ng caption na, “#turista sa Dubai”.

Ilan rin sa kanilang mga binista ang Souk Madinat Jumeirah kasama ang Dubai producer na si Jo Remi.


Credit: @jodistamaria on Instagram

Ipinasilip rin ng aktres ang kanyang naging coffee time sa isa sa mga hotel doon at masayang sinubukan ang famous golden cappuccino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


Ayon pa sa aktres, “I had to remind myself not all that glitters is gold sometimes it’s coffee. Cappuccino sprinkled with 24-carat gold flakes”.


Credit: @jodistamaria on Instagram

Sa kanilang masayang bakasyon ng kanyang anak ay marami naman sa kanyang mga fans ang labis na natuwa at maging ang kasintahang aktor na si Raymart Santiago ay nag-iwan rin ng komento sa naturang litrato ng aktres.

☕ ❤❤❤” iniwang komento ni Raymart Santiago.

The post Jodi Sta. Maria, ibinahagi ang masayang bakasyon sa iba’t ibang mga bansa kasama ang anak na si Thirdy appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments