Bea Alonzo, ipinasilip ang kanilang ginawang outdoor na sinehan kung saan nanood ng pelikula ang kanyang buong pamilya

Ang panonood ng mga pelikula mapa telebisyon man, sinehan, o mapa social media ay talaga namang ito ang kinahihiligan ng karamihan na gawin kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan, lalo pa’t sa pamamagitan nga nito ay kanilang mapapanood ang mga sikat na personalidad sa showbiz na ating hinahangaan at sinusubaybayan.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

At sa nakalipas na halos dalawang taon na pansamantalang isinara ang mga sinehan dahil sa labis na pag-iingat sa kumakalat na v1rus, ay tila unti-unti na ngang nagbubukas muli ang mga ito sa publiko, ngunit kaakibat pa rin nito ang dobleng pag-iingat at pagsunod sa mga safety protocols na ipinatutupad.

At dahil ang lahat ay nasasabik nang makanood muli sa mga sinehan, kaya ang aktres na si Bea Alonzo ay hindi na nga pinalagpas pa ang pagkakataong ito at gumawa ng outdoor cinema sa kanilang napakalawak at napakagandang farm sa Zambales, ang Beati Firma.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Sa ibinahaging vlog ni Bea sa kanyang YouTube channel ay kapansin-pansin ang mala aesthetic at cozy vibes na outdoor movie night, na kaniyang ginawa upang ma-experience muli ang makanood ng mga pelikula kasama ang kanyang buong pamilya sa kanilang farm.

Isang DIY movie night nga ang kanilang ginawa na kung saan ay makikita ang pagka aesthetic vibes nito dahil sa mga nakalagay na fairy lights, banigs, Buri rugs, throw pillows, solar lamps, battery-operated tea candles, projector, at mga speaker.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

At upang mas lalo pang mag-enjoy sa kanilang panonood, ay may nakahanda ring mga snacks tulad ng mga chips, popcorn maker, at smores na talaga namang swak na swak sa kanilang masayang bonding moments buong pamilya.

Kwento pa nga ng aktres, “Kaya namin ‘to ginagawa kasi miss na miss ko na manuod ng pelikula sa sinehan. Parang huli pa yata yung pelikula ko din, premiere night movie namin ni Angelica [Panganiban]. I think ah, isa sa mga block screenings kasi bago mag lock down ‘yun eh.”

Dagdag pa niya, “Sa totoo lang hindi ko lang nami-miss manuod ng pelikula, namimiss ko rin gumawa ng pelikula. Alam ko nag-iiba na yung movie experience natin ngayon with all the streaming services but syempre iba pa rin yung talagang nandun ka sa movie house.”




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Tila kahit sino ay magbabalik tanaw sa dating nakasanayan na panood sa mga sinehan, kaya naman bukod pa rito ay isa rin sa labis na na-mimiss ng ay aktres ang panonood ng mga pelikula sa eroplano sa tuwing siya ay may pupuntahan.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Aniya, “Isa sa mga na-eenjoy ko, manuod sa loob ng eroplano. Kasi sa eroplano wala ka talagang distractions. Nanunuod ako pelikula, umiiyak ako, tumatawa ako, parang enjoy na enjoy ko sya and you have nothing else to do.”

The post Bea Alonzo, ipinasilip ang kanilang ginawang outdoor na sinehan kung saan nanood ng pelikula ang kanyang buong pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments