Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala kay Jaime Santos o mas kinilala ng publiko bilang si Jimmy Santos sa tunay na buhay?
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Maituturing na haligi ng showbiz industry si Jimmy dahil sa kanyang pagiging mahuhusay na aktor, beteranong komedyante at TV host, na patuloy na nagbigay ng inspirasyon at kasiyahan sa maraming tao na kanyang napapangiti at nakakasalamuha.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Sa kabila ng kanyang edad ngayon na 70, ay patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay saya at inspirasyon sa nakararami. At upang mas lalo pang maging bukas ang kanyang buhay sa publiko, ay pinasok na rin ng komedyante ang pagiging isang content creator o vlogger, upang magbigay ng update sa kanyang mga tagahanga lalo na ngayon na siya ay ating bihira ng makita at mapanood sa telebisyon.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Kaya naman sa kanyang YouTube channel na Jimmy Saints, ay masayang ibinabahagi ni Jimmy ang ilan sa mga kaganapan sa kanyang simpleng pamumuhay sa Pampanga.
Kabilang na nga sa mga ito ang mga naggandahang lugar at pasyalan sa kanilang probinsya, maging ang mga pangunahing kabuhayan ng ilan sa ating mga kababayan na naroon.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Ilan nga sa kanyang mga sinubukan ay ang pagtitinda ng karne sa palengke, ang paggawa ng uling, at ang pagiging barker sa jeepney. Tila sa kabila ng kanyang edad ay hindi pa rin matatawaran ang kanyang ipinapakitang kalakasan at kabaitan sa pakikisalamuha sa mga taong kanyang nakakausap.
Kaya naman sa pagkakataong ito ay tila hindi lamang tindero, mag-uuling at barker ang kanyang pinasok, kundi ay sinubukan rin ni Jimmy na maging isang carwash boy sa Angeles, Pampanga.
Sa panibagong vlog na ibinahagi ng komedyante ay kanyang ipinakita ang trabaho ng pagiging isang carwash boy, na kung saan ay makikita pa ang tila pag-eenjoy nito sa kanyang ginagawang pagka-carwash, na sinasabayan pa nga nya ng pagkanta.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
At dahil likas na matangkad si Jimmy na siyang hindi naman kataka-taka dahil sa kanyang pagiging basketbolista noon, kaya naman nang kanyang subukan ang trabahong ito ay tila naging madali lamang para sa kanya ang linisin ang bubong at itaas na bahagi ng sasakyan.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Bahagi rin ng kanyang vlog ang pag-iinterview sa namamahala ng nasabing carwash shop. Tunay ngang hindi madali ang trabaho ng pagiging isang carwash boy, ngunit tulad nga ng iniwang mensahe ng komedyante at ang kasabihang madalas nating naririnig, “Kapag mahal mo ang trabaho, pinagbubutihan mo.”
The post Jimmy Santos, sinubukan ang pagtatrabaho sa carwash na sinabayan pa nya ng pagkanta appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments