Jason Abalos, ipinasilip ang kanilang napakalawak na farm at napakagandang tree house kasabay ng kanyang pagdiriwang ng kaarawan

Nito lamang ika-14 ng Enero ay isang simple at masayang birthday celebration ang siyang ibinahagi ng aktor na si Jason Abalos.


Credit: Jason Abalos on Youtube

Kasama ang kanyang mga mahal sa buhay kabilang ang pamilya at longtime girlfriend na si Vickie Rushton, ay hindi pinalampas ni Jason ang pagkakataong ito upang makasama at maipagpasalamat ang mahalagang araw na ito ng kanyang buhay.

Maliban sa natamong tagumpay sa kanyang showbiz career, ay makikitang nag-uumapaw pa rin ang biyaya sa buhay ng aktor lalo pa’t kanyang kapiling ang kasintahan na si Vickie.


Credit: Jason Abalos on Youtube

Kaya naman sa pagdiriwang ng kanyang ika-37 taong kaarawan, ay masayang nakasama ng aktor hindi lamang ang beauty queen kundi pati na rin ang kanyang pamilya.

Magmula sa kanilang malawak at payapang farm sa Nueva Ecija, ay makikita dito na ipinagdiwang ni Jason ang kanyang kaarawan.


Credit: Jason Abalos on Youtube

Hindi man naging magarbo ang handaaan para sa kanyang birthday, ay hindi naman naging hadlang ito upang makapiling ang mga taong labis na nagmamahal sa kanya.

Bago ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan, ay ibinahagi rin ni Jason na hindi raw sila nagkasama ng kanyang pamilya sa mismong araw ng kapaskuhan at sa pagsapit ng bagong taon.




Credit: Jason Abalos on Youtube

Kaya naman tila triple celebration na rin ang kanilang ginawa, upang masulit ang mga oras na sila ay magkakasama.

Pagbabahagi ng aktor, “Hindi kami nagkita kita nong pasko at bagong taon, kaya pinag isa na lang namin ang birthday celebration ko dito sa farm sa Pantabangan Nueva Ecija. Niregaluhan ako ni Mama ng isa niyang alaga, binigyan ako ng cake ng Artist center at nag pa ice cream ang aking Baba.”

Samantala, kapansin-pansin naman sa video ang kagandahan at malawak nilang lupain sa Nueva Ecija, na siyang napapalibutan ng mga mga matatayog at luntiang mga puno at halaman, na tunay namang nakaka-relax sa pakiramdam kapag ito ay nasilayan.


Credit: Jason Abalos on Youtube

Makikitang pinuntahan rin nina Jason at Vickie ang mismong lugar na pagtatayuan ng kanilang farmhouse, na kung saan ay matatanaw rito ang kamangha-manghang ganda at tanawin ng kabudukan at kapaligiran.

Bukod pa diyan ay makikita rin ang isang tree house na nakatayo sa kanilang farm, pati na rin ang mga alagang tupa, itik, at manok ay makikita rin mula rito.


Credit: Jason Abalos on Youtube

Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam na mapagmasdan at manirahan sa ganitong klase na tahimik, maaliwalas at preskong kapaligiran.

The post Jason Abalos, ipinasilip ang kanilang napakalawak na farm at napakagandang tree house kasabay ng kanyang pagdiriwang ng kaarawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments