Aktres na si Antoinette Taus, taglay pa rin ang natatanging ganda sa kabila ng kanyang edad na 40

Sa kanyang taglay na kagandahan at talento sa pag-arte, hindi nakapagtataka na ang kanyang pangalan ay nagsimulang yumabong noong dekada 90’s. Nagsimula ang aktres na si Antoinette Taus sa showbiz bilang isang mahusay na teen star, na siyang kaniyang pinatunayan ang natatanging talento matapos gampanan ang role bilang si Anna sa teleseryeng Anna Karenina.


Credit: @antoinettetaus on Instagram

Bukod pa diyan ay naging bahagi rin si Antoinette sa TGIS at mas lalong nakilala pa ng siya ay maghatid ng kilig sa publiko matapos gampanan ang romance drama series na “Sana Ay Ikaw Na Nga” kasama ang on and off-screen partner noon na si Dingdong Dantes.

Ngunit tulad nga ng sinasabi ng marami, hindi panghabang-buhay ang pag-aartista, kaya naman kahit na pinili ang tahimik at simpleng pamumuhay sa Los Angeles kasama ang pamilya, ay hindi maitatanggi na ang kanyang pangalan ay nakaukit pa rin sa puso at isipan ng kanyang mga tagahanga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Antoinette Taus 🇺🇸🇵🇭 (@antoinettetaus)


Kaya ngayon sa kanyang paninirahan sa ibang bansa at paminsang pag-uwi sa Pilipinas, ang 40-year-old na si Antoinette ay talaga namang “ageless beauty” pa din sa kabila ng kanyang edad.


Credit: @antoinettetaus on Instagram

Sa kanyang taglay na ganda at kas3ksihan ay talaga nga namang marami ang sa kanya ay humahanga pa rin, lalo na at tila hindi naman nagbago ang itsura ng aktres mula noon hanggang ngayon.




Credit: @antoinettetaus on Instagram

Kalakip ng mga litratong ibinabahagi ni Antoinette sa kanyang social media accounts, ay makikitang bakas pa rin sa kanyang mukha ang taglay na ganda at young-looking face na ayon pa sa mga komento ng netizens ay hindi pa rin raw nagbabago ang kanyang itsura mula pa man noon.

“Timeless beauty, 😍you are more than a queen in your generation”


Credit: @antoinettetaus on Instagram

“Beautiful inside and out. 😍❤❤❤

“Wlang kupas 😮😮😮

“Pretty 😍😍😍😍😍😍


Credit: @antoinettetaus on Instagram

Tila ang pagkakaroon ng simple at tahimik na buhay sa Los Angeles ang naging daan para sa aktres upang i-enjoy ang kanyang buhay kasama ang pamilya. Sa kabila naman ng kanyang naramdamang kalungkut@n sa maagang paglisan ng kanyang ina, ay napagpasyahan ng aktres na magtayo ng isang organisasyon na ang layunin ay makatulong sa mahih!r@p.


Credit: @antoinettetaus on Instagram

Ang organisasyong kanyang itinayo ay pinangalan niya sa kanyang ina, at ito ay ang CORA o ang Communities Organized for Resources. Isa rin sa pinaatutuunan ng pansin ng CORA ang bigyang solusyon ang problema pangkalikasan na nagsusulong na masolusyunan ang problemang global warming at climate change.


Credit: @antoinettetaus on Instagram

Dahil sa kanyang mabuting adhikain, ay hindi maitatangging taglay ni Antoinette ang pagiging kababaihang “beauty with a heart” na handang tumulong sa kanyang kapwa at sa kababayan.

The post Aktres na si Antoinette Taus, taglay pa rin ang natatanging ganda sa kabila ng kanyang edad na 40 appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments