Sample King Jhong Hilario, natuwa at proud sa kanyang anak na si Sarina dahil sa pagiging mapagbigay nito

Marami ang humahanga sa aktor at pulitikong si Jhong Hilario hindi lamang dahil sa kanyang talento sa pag-arte kundi maging sa kanyang galing sa dance floor.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Kaya naman sa kanyang husay at galing sa pagsasayaw, hindi kataka-takang siya ang tinaguriang “Sample King” pagdating sa sayawan.

Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging isang pul!tiko, artista, at dancer, sa likod ng kamera siya ay nakilala bilang isang mapagmahal na partner sa kanyang longtime girlfriend na si Maia Azores at hands-on dad sa kanilang munting anghel na si Baby Sarina.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Isa sa mga naging highlight sa buhay nina Jhong at Maia ngayong taon ay ang pagdating kanilang unica hija nito lamang Marso 2021.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sample King 👑/ ALAKDAN 🦂 🇵🇭 (@jhonghilario)


Talagang umaapaw ang tuwa at saya ngayon ng sample king, lalo pa at sa bawat litrato na sila ay magkasamang mag-ama, hindi maitatanggi na talaga namang “Daddy’s Girl” si Baby Sarina.

Kaya naman ang Sample Princess ni Jhong, ay muli na namang naghatid ng kakyutan sa kanilang mga fans, matapos ibahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang isang video nilang dalawa, na kung saan ay makikita ang ginawang kabutihan ng kanyang anak sa kanya.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Sa video ay makikitang habang kumakain si Baby Sarina, ay sinubukan ni Jhong na humingi ng pagkain nito na siya namang iniabot ni Baby Sarina ang kanyang hawak-hawak na pagkain.

Tunay ngang sa murang edad pa lamang ni Baby Sarina, ay marunong na itong magbahagi ng kanyang mga blessing, na siyang isa sa mga maagang itinuturo ng aktor sa kanyang anak.




Credit: @jhonghilario on Instagram

Aniya, “Sharing is caring. Thank you my princess.”

Kung kaya’t ang kanilang mga fans ay natuwa at nagbigay ng kanilang mga komento sa nakakatuwang eksena na ito ni Jhong at ni Baby Sarina.


Credit: @jhonghilario on Instagram

“Bait nman baby 👏👏👏lalong gumaganda c baby mo🥰

“Ha ha ha marunong na ang Bebe parang nahihiya na ngpapa-Cute 😂❤😍


Credit: @jhonghilario on Instagram

“Omgggg cutie patootieeee 😍💕❤💕💖💖💖💖🙌

❤ang sweet nyu talagang mag ama, napakabuti mong daddy jhong.”

The post Sample King Jhong Hilario, natuwa at proud sa kanyang anak na si Sarina dahil sa pagiging mapagbigay nito appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments