Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, masayang ipinagdiwang ang ika-10th birthday ng kanilang anak na si Ondrea Bliss

Isa sa mga hinahangaang celebrity couple sa mundo ng showbiz ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nagsimula sa pagiging isang matalik na magkaibigan, hanggang sa kanilang natagpuan ang tunay na pag-ibig sa katauhan ng isa’t-isa.


Credit: @osotto on Instagram

Kaya naman noong taong 2011, ay naganap na ang masaya at hindi malilimutang pag-iisang dibdib ng dalawa, na talaga namang namayani ang kanilang labis na pagmamahalan sa isa’t-isa.

Sa ngayon, ay masayang nagsasama sina Oyo at Kristine kasama ang kanilang limang anak na sina Kiel, Ondrea, Kaleb, Valentine, at ang bagong silang ng mag-asawa na si Baby Vittorio Isaac.


Credit: @khsotto on Instagram

Tila napakabilis nga ng paglipas ng bawat oras at panahon, dahil ang dating unang sanggol nina Oyo at Kristine na si Ondrea Bliss, ay siya na ngayong nagdiriwang ng kanyang ika-10 na kaarawan nito lamang December 26.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)


Si Ondrea ang nagsilbing mini-me ng aktres, dahil bukod sa pagiging only girl sa kanilang magkakapatid, ay likas rin sa kanya ang napakagandang mukha na namana sa kanyang ina.

Kaya ngayon sa kanyang kaarawan, ay masayang ipinagdiwang ito ng celebrity couple sa isang simple ngunit masayang birthday celebration ng magkakasama.
Credit: @khsotto on Instagram


Credit: @khsotto on Instagram

Sa Instagram, ay makikitang ibinahagi ni Kristine ang mga larawan ng naturang birthday celebration ni Ondrea, at ang kanilang munting salu-salo kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan at kapamilya.

Sa espesyal na araw na ito sa buhay ng kanilang panganay, ay nagbahagi naman ang mag-asawa ng kanilang taos-pusong mensahe para sa kaarawan ng kanilang anak.




Credit: @khsotto on Instagram

Ayon sa mensahe ni Kristine, “To our dearest Ondrea — stay as loving and always grateful. You have a beautiful heart. Seek and obey God in everything you do —- Thank you for making Jesus your number 1! WE LOVE YOU SO MUCH!!! #Dre@10”


Credit: @khsotto on Instagram

Pagbati at puno na pagmamahal na mensahe ni Oyo, “Happy birthday to my única hija, Ondrea Bliss sweet, loving, independent and most of all loves the Lord Jesus our God. I love you Dre! #10”

The post Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, masayang ipinagdiwang ang ika-10th birthday ng kanilang anak na si Ondrea Bliss appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments