Jane Oineza at RK Bagatsing, sinalubong ang pasko sa pamamagitan ng isang cute na couple tattoo

Isang bagay na hindi natin makakalimutang gawan ng mga magagandang memories ay ang ating love partner. Sila yong palagi nating naiisip sa tuwing may ganitong okasyon, lalo pa ngayong kapaskuhan. Talaga nga namang nag iisip tayo ng mga bagay para pasayahin lamang sila. Ang pag ibig nga talaga iba ang dulot!


Credit: @janeoineza instagram

Sa isang post ni Jane Oineza sa kanyang Instagram, pinakita nga ng dalaga ang pa couple tattoo nila ng kanyang nobyo na si RK Bagatsing. Sa larawan ay nakangiti ang dalawa na nakatitig sa isa’t isa habang idinikit nila ang kanilang dalawang hinliliit na makikita nga ang nabuong larawan na smiley face.


Credit: @janeoineza instagram

Ang mga mata ay nasa daliri ni Jane na tila colon lamang kung ito’y mag-isa wala ang ka partner, samantalang kay RK ay tila isang parte ng parentheses lamang kung wala rin ang kanyang kabiyak.
Sweet na sweet nga silang pagmasdan at kita sa kanila ang chemistry sa nakakakilig nilang litrato na ito, mapapansin din ang paligid kung saan dama mo nga ang Christmas dahil na din sa Christmas trees na nasa background ng mismong litrato.




Credit: @janeoineza instagram

Naka dress na puti ang dalaga samantalang naka mustard na shirt naman ang binate na tila nakakuha ng pinaka the best na regalo kung makatitig sa kanyang nobya na ngiting ngiti din na nakatingin.

Sabi pa nga ng isang Direktor na si Direk Theodore Boborol, “Nakakakilig, nakakainis!” na kung tutuusin ay talaga namang nakakakilig at mapapa buntong hininga ka sa inggit. Sana lahat diba?
Marami sa mga netizen ang naging masaya sa kanila at bumati pa nga ng “Merry Christmas” at “Happy holidays”.


Credit: @janeoineza instagram

Napaka sarap ngang isipin na iba ang nagagawa ng pag ibig, nakakagawa tayo ng maraming bagay alang-alang sa ating minamahal. Ang pag papa-tattoo nga ay isa doon, sapagkat mahirap nga namang alisin ito sapagkat ito’y permanente na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elizabeth Jane Oineza ☁ (@janeoineza)

Kung kaya ang gawin ito kasama ang minamahal ay tila pag declare nang lubos mong pag sinta dito.
Ikaw? Ano ang kayang mong gawin, para sa iyong minamahal? Dahil kung naghahanap ka ng sign na gawin na iyon? Ito na ang sign, gawin mo na!

The post Jane Oineza at RK Bagatsing, sinalubong ang pasko sa pamamagitan ng isang cute na couple tattoo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments