Chesca Garcia at Doug Kramer, ibinahagi ang kanilang sikreto pagdating sa pagkakaroon ng isang masaya at matibay na pagsasama bilang mag-asawa

Isa sa maituturing na kayamanan sa pagsasama ng bawat mag-asawa ay ang mapanatili ang nag-uumapaw at nag-aalab na pagmamahal para sa isa’t-isa.


Credit: @chekakramer on Instagram

Ang pagkakaroon ng isang matatag at masayang pagsasama sa matagal na panahon ay maituturing na biyaya, dahil nalampasan nila ang mga pagsubok na kaakibat ng buhay may asawa.

Hindi maitatanggi na ang pagmamahalan ng mag-asawang sina Chesca Garcia at Doug Kramer ay mas lalo pang pinatitibay at pinatatatag ng panahon.


Credit: @chekakramer on Instagram

Ngunit ang tanong ng karamihan, sa labing-tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, paano nga ba napapanatili nina Chesca at Doug ang kanilang magandang relasyon at nag-aalab na pagmamahal sa isa’t-isa?

Para kay Chesca, ang salitang “swerte” ay hindi kumakatawan sa dalawang taong nagmamahalan. Dahil ayon sa kanya, sa buhay ng mag-asawa ay kaakibat nito ang pagkakaroon ng mga tampuhan, mga away at hindi pagkakaintindihan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chesca Garcia Kramer (@chekakramer)


Pagbabahagi niya, “If you see a married couple still in love through the years, you may think how lucky they are. But in marital relations, there is no such thing as luck.”

Dagdag pa niya, “They made many compromises, they overlooked each other’s faults. They forgave many mistakes and endured many problems. They spent years learning to understand each other.”




Credit: @chekakramer on Instagram

Ang pag-ibig at tagal ng isang pagsasama at relasyon ay hindi nakabatay sa swerte, dahil ito ay may kaakibat na pasensya, respeto, pagpapatawad, pagbibigayan at tunay na pagmamahal para sa isa’t-isa.

Katulad ng ibang mag-asawa at magkasintahan, ang relasyon nina Chesca at Doug ay hindi rin maihahambing sa salitang perpekto, dahil tulad ng mga tao, sila rin ay mga indibidwal na nakakagawa ng kasalanan.


Credit: @chekakramer on Instagram

Ngunit para kay Chesca, ang panatilihin ang alab ng pagmamahal at piliin ang minamahal sa araw-araw ay ang kanilang naging batayan, upang piliin ang kanilang sinumpaang tungkulin at responsibilidad na magsasama mula ng sila ay ikasal hanggang sa kanilang pagtanda.

Aniya, “At the end of the day, choosing, and loving each other, and making the marriage work is always a choice.”

The post Chesca Garcia at Doug Kramer, ibinahagi ang kanilang sikreto pagdating sa pagkakaroon ng isang masaya at matibay na pagsasama bilang mag-asawa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments