Maituturing na isa sa napakagandang investment ang makapagpundar ng isang napakalawak na lupain sa probinsya upang gawing isang farm.
Credit: Bea Alonzo Youtube Channel
At isa sa mga patunay nito na siyang bunga ng sipag at tiyaga na makapagpundar ng isang napakalawak na farm sa Zambales, ay walang iba kung hindi ang tagumpay ng aktres na si Bea Alonzo na pinangalanan niya bilang Beati Firma.
Credit: Bea Alonzo Youtube Channel
Tila mula sa pagmamay-ari ng isang farm ay nag level up ngayon si Bea, na kung saan ay kanyang ipinasilip sa kanyang latest vlog ang vegetable garden ng kanyang ina na si Madam M. At ipinasilip din ang ilan sa kanilang mga tanim na gulay na siyang ang aktres mismo ang nag-ani.
Credit: Bea Alonzo Youtube Channel
Kaya naman sa kabila ng sunod-sunod na projects ngayon ni Bea sa kanyang trabaho, ay hindi maitatanggi ang kanyang pagiging hands-on at pagmamahal sa kanilang farm na siya ring isa sa mga dahilan kung bakit niya ito binabalik-balikan.
Aniya, “I love coming back here kasi laging mayroong bago, laging may bagong project and kagaya nga ng sinabi ko sa inyo dati, our farm is always a work in progress.”
View this post on Instagram
Sa munting pasilip sa kanilang vegetable farm, katuwang ng aktres ang kanyang kapatid na si James sa paglilibot at pagkuha ng mga gulay sa kanilang farm.
Makikita sa kanilang farm ang mga pananim nilang corn, watermelon, sitaw, talong, kalabasa, sili, okra, patola, pipino, at kalabasa.
Credit: Bea Alonzo Youtube Channel
Samantala, maliban sa farm na naipundar ni Bea ngayon ay may isa na namang blessing ang dumating, na kung saan ay nakapag-invest na rin ang aktres sa pagbili ng isang traktora na siyang ginagamit nila ngayon para sa kanilang farm.
Credit: Bea Alonzo Youtube Channel
Ayon sa paglalahad ng aktres, isa nga raw sa magandang investment ang pagbili ng traktora, na siyang makakatulong at magandang gamitin para sa kanilang farm.
“One of the things I realized as a farm owner is that tractors are a good investment. A lot of work comes with managing a farm, and it is essential to have reliable equipment that can handle multiple tasks and increase productivity.” Paglalahad ni Bea.
Credit: Bea Alonzo Youtube Channel
Dagdag pa niya, “Sinasabi nga nila, ang sarap ng buhay probinsya kasi kahit na wala kang pera, kakain at kakain ka [basta] magtanim ka lang.”
The post Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang pinakabagong traktora na syang nagagamit ngayon sa kanyang napakalawak na farm appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments