Pagba-vlog na ang isa sa mga pangunahing pinagkakaabalahan ngayon ng comedian-TV host, at dating professional basketball player na si Jimmy Santos. Isa sa mga naging rason ni Jimmy nang pasukin nya ang vlogging, ay gusto nyang ibahagi sa publiko ang buhay na mayroon ngayon sa Pampanga na kung saan siya ay naninirahan.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Sa mga nakaraang vlogs ni Jimmy ay kaniyang isinama ang mga viewers, sa magagandang lugar at pasyalan na matatagpuan sa kanilang lugar at ang mga pangunahing ikinabubuhay ng mga taong naninirahan doon.
Kaya naman ngayon ay ating silipin ang isa sa mga pangunahing ikinabubuhay ng ating mga kababayan na katutubo, at ang paraan kung paano nila nairaraos ang h!rap ng buhay sa pamamagitan ng paggawa at pagbenta ng uling.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Sa panibagong vlog ni Jimmy ay kaniyang isinama ang mga viewers patungong Clark Sun Valley at ang Barangay Sapang Bato na matatagpuan sa Angeles City, Pampanga.
Ayon sa komedyante, ang Clark Sun Valley ay isa umanong dating bundok, na kung saan ang pagtatanim ang isa sa mga pangunahing kabuhayan ng mga taong naninirahan sa kanilang lugar.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
“Kung saan ito ay dati pong bundok, ang nagtatanim dito ay mga taga Sapang Bato. Sari-saring bato, sari-saring punongkahoy ang kanilang itinatanim. Mga gulay, kamote, kung anu-ano pa, dahil doon po nila kinukuha ang kanilang kabuhayan.”
Pagdating sa Barangay Sapang Bato ay ipinasilip ni Jimmy ang kilalang sapa sa lugar na ito, na kung saan ang dating matubig na sapa ay tila’y naging bato na dahil sa tagtuyot.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Samantala, ay dinayo rin ni Jimmy ang kabundukan at inalam kung paano nga ba ang paggawa ng uling, na siyang ginagamit sa pag-iihaw at pagluluto ng pagkain, na kadalasang ibinebenta sa mga tindahan at palengke.
Dahil kilala ang komedyante sa husay nito sa pakikihalubilo sa mga tao sa kanilang lugar, ay hindi niya pinalagpas ang pagkakataon at nakisabay sa ating mga kapatid na katutubo sa paggawa ng uling. Kapansin-pansin na wala man lang kaarte-arte si Jimmy, habang masayang tumutulong sa pagkuha ng mga kahoy na gagamitin sa paggawa ng mga uling.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Tunay nga na sa kabila ng simpleng pamumuhay ng ating mga kapatid na katutubo, ang sama-samang pagtutulungan upang magawa ang isang layunin ay hindi na bago sa kanila at ang pagdadamayan ang kanilang pinanghahawakan.
“ito yung mga kapatid nating katutubo rito, nagdadamayan silang lahat para ho sa isa’t-isa, mas madali nilang magaawa ang bawat bagay na gusto nilang gawin yung ikabubuhay nila.”
The post Jimmy Santos, sinubukan na rin ang paggawa ng uling na siyang pangunahing kabuhayan ng mga katutubong Aeta appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments