Maituturing na maganda nga namang investment ang pagpapatayo ng isang farm sa probinsya. Kahit na kaakibat man nito ang hirap at mahabang proseso, magiging maganda pa rin ang bunga nito. Tulad na lamang sa kasabihang, ‘kapag may tiyaga, may nilaga’.
Credit: Bea Alonzo Youtube Channel
Tunay nga namang sa kabila ng napakalawak at napakagandang farm sa Zambales ng aktres na si Bea Alonzo, ay hindi maitatanggi na walang tapon at sayang sa kanilang farm na pinangalanang Beati Firma.
Dahil pagdating sa mga pagkain ng mga alagang hayop, pataba sa mga puno, mapa fish pond man at palayan, lahat ng ito ay organic at walang halong kemikal na ginamit. Kaya naman sagana sa bunga ang bawat halaman at puno at makakasigurong ang mga gulay at prutas ay punong-puno sa sustansya.
Credit: Bea Alonzo Youtube Channel
Sa malawakang farm nina Bea, ay sino ang mag-aakala na mayroon pa palang itinatagong taniman ng gulay ang kanilang pamilya na siyang tinawag ng aktres bilang “Mary’s Secret Garden”.
Sa video na ibinahagi ni Bea sa kanyang YT channel, ay kanyang ipinasilip sa mga viewers ang mala secret garden ng kanyang ina na si Mommy Mary o mas kilala bilang si Madam M. ang secret garden na ito ay isang vegetable garden, at makikita ang iba’t-ibang klaseng tanim na gulay ng kanyang ina.
Credit: Bea Alonzo Youtube Channel
“Welcome to my mom’s new project, ang Mary’s Secret Garden na puno ng mga gulay tulad ng sitaw at talong.”
Sa pagbisita ni Bea sa farm, ay naisipan niya ring mag-harvest ng mga gulay tulad ng sitaw, at talong. At ayon din kay Madam M, ay may tanim rin syang okra at mais sa kanyang secret garden.
Credit: Bea Alonzo Youtube Channel
“Very rewarding yung nagha-harvest ka because parang you really used your bare hands to plant it, and makikita mo na nagga-grouche like anything in life, when you take care of it, when you give love and when you put yourself to it, it grows.”
Samantala sa kalagitnaan ng pagha-harvest ni Bea ay sya namang pagbuhos ng malakas na ulan. At kahit bumabagyo man, ay hindi rito natatapos ang masayang bonding time ng kanilang pamilya.
“So dahil umulan, nasira yung plano namin. Ganito yung ginagawa namin kapag umuulan dito sa farm, nagpe-play na lang kami ng cards. Para magpalipas ng oras.”
Hindi man natuloy ang planong pagha-harvest, ay nanatiling positibo pa rin ang aktres. Aniya ang pag-ulan ay isa umanong blessing para sa kanilang Beati Firma.
Credit: Bea Alonzo Youtube Channel
“Yung as the weather changes, our mood changes. But then, life goes on. We still have fun, and you know, parang feeling ko yung pag-ulan ay blessings, because it nourishes our farm.”
The post Bea Alonzo, enjoy na enjoy sa pagha-harvest ng mga gulay sa vegetable garden ng kanilang napakalawak na farm appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments