Sofia Andres, ibinahagi ang masayang bonding time kasama ang kanyang baby girl na si Zoe

Simula ng maging bukas sa publiko ang buhay ni Sofia Andres at ng kanyang pamilya, ay mas madalas na ring masilayan ng kanyang mga tagahanga ang mga masasayang kaganapan sa kanilang buhay.

At bahagi na rin ng bawat milestone ni Zoe, ang anak ni Sofia sa kanyang car racer boyfriend na si Daniel Miranda, ay nasaksihan rin ng karamihan.


Credit: @iamsofiaandres on Instagram

Tila’y ang pagdating ni Zoe sa buhay ng aktres, ang naging daan upang mas lalo pang masulit ni Sofia ang kanyang oras at panahon na kasama ang kanyang anak.

Kamakailan nga ay binahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang naging masayang bonding moment nila ni Zoe habang sila ay nasa swimming pool.

Makikita sa video ang pagiging proud ni Sofia sa kanyang anak, dahil marunong na itong lumangoy mag-isa at makikita ang pag-eenjoy ni Zoe kasama ang kanyang Mommy.




Credit: @iamsofiaandres on Instagram

At sa katapangan na ipinakita ni Zoe sa kanyang bawat pagtalon sa pool, ay sya rin namang pagsalo ni Sofia sa kanyang anak upang maalalayan pa rin ito.

Sa caption ni Sofia ay kanyang inilahad ang pagiging proud mommy sa kanyang anak na si Zoe sa kanilang naging masayang bonding time sa swimming pool.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


“I’m just so proud of her. Such a brave one! 💪🏻

Ang pagiging isang ina ni Sofia ang nagsisilbing kalakasan ng aktres ngayon, upang maging mas matapang sa buhay at sa pagdating ng kanyang anak ay nakatagpo si Sofia ng matatawag nyang “best friend” sa katauhan ng kanyang munting anghel na si Zoe.

“Watching you grow makes me feel like I’m the strongest woman on earth. I will never get tired of learning how to stay strong. I will never get tired of loving you. You made me a better person & I feel like I found my best friend for the first time in my life. I have been looking for you…. 🥺

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Aminado ang aktres na hindi sya perpektong ina at ang mga nangyayari sa kanyang buhay ngayon ay bago pa lamang sa kanya, ngunit handa si Sofia na matutunan ang lahat at maging isang mabuting ina para sa kanyang anak.

“I know that I still have so much things to learn & I’m not perfect but I know that I do my best all the time. Every day is a learning process…. ☕

The post Sofia Andres, ibinahagi ang masayang bonding time kasama ang kanyang baby girl na si Zoe appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments