Anak nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa nakakatawang larawan nila ng kanyang daddy

Isa ang celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa mga patuloy na hinahangaan ngayon sa industriya ng showbiz, dahil sa kanilang pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya.

Ang pagdating ng kanilang baby boy na si Amari ang nagsilbing kasiyahan nilang mag-asawa, lalong-lalo na ng mga netizens na hindi mapigilan ang kanilang labis na pagkatuwa sa napa-cute at maamong mukha ni Amari.


Credit: @billycrawford on Instagram

Ilang buwan na ang nakalilipas, ay hindi maitatanggi ang pagiging proud nina Billy at Coleen sa kanilang anak sa bawat milestone na napagtatagumpayan nito.

Kamakailan lang ay proud na ibinahagi ng celebrity couple ang kauna-unahang endorsement shoot ni Amari, sa isang kilalang clothing brand at makikita mula dito ang nag-uumapaw na ka-cute-an ni Amari.




Credit: @billycrawford on Instagram

Sa naturang photosh0ot ay nakasama ni Amari ang kanyang Daddy Billy, at base sa litratong ibinahagi ni Billy sa kanyang Instagram account ay umani naman ng katatawanan mula sa mga netizen ang ginawa ng kanyang anak sa kanya.

Makikitang nakasuot ng kulay dilaw na shirt ang mag-ama at mapapansin na habang buhat ni Billy si Amari, ang siko ng kanyang anak ay tila’y natamaan ang kanyang ilong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


“My son will be a very good athlete, I’m pretty d@rn sure of it! 😂 🤦♂‍ #sapul”

Kapansin-pansin ang pag-ngiwi ni Billy na tila’y nasaktan sa ginawang pagsiko sa kanya ng kanyang anak base sa naging reaksyon nito sa litrato nilang dalawa.

Dahil dito ay umani naman ng katatawanan mula sa mga netizen ang kanilang larawan mag-ama at hindi napigilang matawa sa ginawa ni Amari kay Billy, na halos ang iba pa sa kanila ay sinabing dapat na raw kabahan ang boxing champion na si Sen. Manny Pacquiao.


Credit: @billycrawford on Instagram

“Kabahan na si Manny Pacquiao. 😂😂

“Cute amari and his daddy billy ❤❤❤😍😍😍.”

“Haha ang cute! He folded his father’s nose! 🤣🤣🤣🤣




Credit: @coleen on Instagram

Isinilang ni Coleen ang panganay nilang anak na si Baby Amari noong September 10 ng nakaraang taon, sa loob ng kanilang tahanan sa pamamagitan ng water birth delivery.

The post Anak nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa nakakatawang larawan nila ng kanyang daddy appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments