Vin Abrenica at Sophie Albert, may pasilip sa kanilang bagong bahay at sa kanilang ginagawang paglilipat

Ang celebrity dad na si Vin Abrenica ay masayang ipinasilip sa publiko ang update sa bahay na kanilang binili ng kaniyang fiancé na si Sophie Albert para maging kanilang bagong tahanan.

Sa bagong video na kanilang inilabas sa kanilang YouTube channel na ‘Vin &Sophie’, ay isinama ni Vin ang kanilang mga supporters sa bagong bahay na kasalukuyang tinatapos pa rin hanggang ngayon.


Credit: @itssophiealbert on Instagram

Ayon sa aktor ay Oktubre pa ng nakaraang taon nang mabili nila ang bahay na ito, at nakatakdang matapos dapat ang paggawa dito noong January.

“Kasi nabili na yung bahay last October pa, and they promised na January daw ay matatapos ang bahay.”

Ngunit dahil si hindi inaasahang pangyayari ay umabot na sa ilang buwan bago pa matapos ang paggawa sa kanilang bahay.




Credit: Vin & Sophie Youtube

Sa pagbisita ni Vin sa kanilang bagong bahay ay hindi niya nakasama si Sophie, sa kadahilanang kailangan isipin ang proteksyon nito pati na rin ang kanilang bagong panganak na anak, ang kanilang panganay na babae na si Avianna Celeste.

Hindi naman napigilan ni Vin ang malungkot para sa kaniyang fiance ng hindi niya ito makasama sa pagbisita sa kanilang bagong bahay.


Credit: Vin & Sophie Youtube

“I just feel so sad, dapat kasama si Sophie sa journey na ito kasi alam ko sobrang, sobrang mage-enjoy yun. Kasi alam ko sobrang fun nito sa kaniya, yung pag-aayos ng nursery ni Avianna.”

“Siyempre gusto niya siya yung nag-aayos, pihikan sa mga ano ‘yun eh, sa mga gamit sa bahay, kung saan nakalagay yung mga gamit-gamit.”

Bukod diyan ay ibinahagi din ni Vin ang kanilang excitement ni Sophie na maayos ang magiging nursery room ng kanilang anak na si Avianna.

“Excited na excited si Sophie na ayusin yung kaniyang nursery room. Kahit ako dun ako pinaka excited actually, everything now for Avianna dun na kami nae-excite.”

Tila`y ang pagiging celebrity Daddy ni Vin ay labis niyang nae-enjoy lalo na at kasama na nila ngayon si Avianna.

“Falling for you every single day my love.”




Credit: Vin & Sophie Youtube

At bahagi ng kaniyang pagiging isang ama ay ang pag-aaral nito ng lullaby song para sa kaniyang anak, at ito nga ay ang kantang “Love” na kinanta ng singer na si Nat King Cole.

Isinilang ni Sophie si Avianna noong March 15 sa pamamagitan ng isang cesarean delivery.

The post Vin Abrenica at Sophie Albert, may pasilip sa kanilang bagong bahay at sa kanilang ginagawang paglilipat appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments