Nikki Gil, marami ang ginulat sa pagbabahagi nya ng kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak

Ginulat ng 33-year-old singer na si Nikki Gil ang publiko matapos ibahagi nito sa Instagram ang kaniyang larawan kasama ang kaniyang panganay na anak na lalaking si Finn.


Credit: @nikkigil on Instagram

Makikita sa naturang post ni Nikki ang larawan niya at kaniyang baby bump at mapapansin sa naging caption nito na nagsasabing magiging Kuya na nga si Finn.

“Ready, Kuya Finn? 😅🥰❤

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


Wala mang naging anunsyo noon patungkol sa kaniyang naging pagbubuntis ngayon sa kaniyang ikalawang baby, ay makikita naman ang excitement at tuwa sa mukha ng singer sa biyayang kanilang natanggap sa pagdating ng kanilang 2nd baby.

Dahil sa naging anunsyo na ito ni Nikki ay marami naman sa mga netizens at kaniyang mga kaibigan sa showbiz ang nagbigay ng kanilang pagbati para sa singer sa naging pagbubuntis nito ngayon.




Credit: @nikkigil on Instagram

Ilan sa mga nagbigay ng mga pagbati ay sina, Luis Manzano, Shaina Magdayao, Pauleen Luna-Sotto, Yeng Constantino, Rica Peralejo, Mariel Rodriguez-Padilla at marami pang iba.

“Nikoooooooy!!!! Congrats!!!❤❤❤

“CONGRATULATIONS @nikkigil !!! Soooo happy for you & BJ!!!”


Credit: @nikkigil on Instagram

“Oh yay!!! Congratulations Nikki! 😍🥰

“Oh wow congratulations 💕🎉

“It’s out!!! 🙌 Congratulations!!!”


Credit: @nikkigil on Instagram

Naabutan man ng quarantine ang naging pagbubuntis ni Nikki ngayon ay hindi naman ito naging hadlang sa kaniya upang mas magkaroon ng oras at panahon, na magawa ang kaniyang mga hilig gawin tulad ng pagpipinta at maka-bonding ang kaniyang pamilya.




Credit: @nikkigil on Instagram

“While we stayed home, I took online painting classes, watched a lot of KDrama, spent many hours video calling friends and family and snuggled with my boys.”

Ikinasal si Nikki at BJ noong November taong 2015 at nabiyayaan ng supling na si Finn na kaniyang isinilang naman noong taong 2017.

The post Nikki Gil, marami ang ginulat sa pagbabahagi nya ng kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments