Camille Prats, nagbigay ng pasilip sa kanilang ipinapagawang napakalaki at napakagandang bagong bahay

Iba ang saya at excitement na naramdaman ng aktres at TV host na si Camille Prats at ng kaniyang asawa na si VJ Yambao, matapos nilang ibahagi sa social media ang naging update sa kanilang dream house na siyang malapit ng matapos simula ng kanilang ipagawa ito.


Photo Credit: Camille Prats Yambao on Instagram

Maliban sa magandang karera ngayon ni Camille sa showbiz, at sa mga trabahong kaniyang natanggap noon hanggang ngayon na isa ng “Mars Pa More” host, ay hindi naman dito natigil ang mga biyayang dumating sa kaniya at sa kanilang pamilya.

Ang pagdating ng kanilang Dream House ay isa sa mga biyayang natanggap nina Camille at VJ, para sa kanilang lumalaking pamilya kasama ang kanilang mga anak.


Photo Credit: Camille Prats Yambao on Instagram

Noong taong 2019 ng ibahagi nila sa publiko ang plano nilang pagpapatayo ng bahay at sinimulan ang construction ng kanilang dream house, na siyang natigil naman dahil sa pandemyang nararanasan ngayon sa bansa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats)


Sa kabila ng pagsubok na kanilang hinarap bilang pamilya ay hindi naman dito natigil ang kanilang dedikasyon na maituloy ang pagpapatayo ng kanilang dream house.

Dahil matapos ang pagkainip sa paghihintay, ay masayang ibinahagi ng dalawa na nasa finishing stage na ang kanilang ipinatayong bahay, na siyang makikita sa larawang ibinahagi ni Camille sa kaniyang Instagram.

“FINISHING stage= the most exciting and nakakanerbyos part that tests your EQ 😆🤣

Haaaay, the anticipation of finally moving in 🏡 ☺ kailan kaya? All in God’s perfect time 🙏🏼❤

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats)


Hindi maitatago ang tuwa at excitement para sa mag-asawa na sa wakas ay onting panahon na lamang ang kanilang hihintayin at masisilayan na ang kanilang dream house.

Hindi man naging biro ang mga nagastos sa pagpapatayo ng kanilang bahay, ay malaki pa din ang pasasalamat ni Camille sa Panginoon para sa biyayang ito na dumating sa kanilang pamilya.


Photo Credit: Camille Prats Yambao on Instagram

Ikinasal sina Camille at VJ sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas noong ika-7 ng Enero taong 2017.

Kasalalukuyan namang abala si Camille sa kaniyang trabaho bilang isang school administrator ng Montessori Divine Angels na mismong pagmamay-ari ng kanyang pamilya.

The post Camille Prats, nagbigay ng pasilip sa kanilang ipinapagawang napakalaki at napakagandang bagong bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments