Mary Pacquiao, ibinahagi ang kanilang naging question and answer kasama ang pamilya sa isang masayang salu-salo

Ang matagal ng nire-request ng mga netizens na question and answer sa pamilyang Pacquiao ay nabigyan na ng kasagutan, at dahil ito sa anak na babae ni Senator Manny at Jinkee Pacquiao na si Princess.


Credit: Mary Pacquiao Youtube

Mula sa isang video na inilabas ni Princess sa kaniyang YouTube channel ay kanilang sinagot ang ilan sa mga matagal ng katanungan ng mga netizens habang sila ay masayang nagsasalu-salo buong pamilya sa hapagkainan.

Para sa unang katanungan kung ano ang favorite spot ng bawat isa sa kanilang tahanan, ay binigyang kasagutan ito ni Quennie at Jimuel na ang kanilang kwarto at theater room ang kanilang paborito.




Credit: Mary Pacquiao Youtube

Master’s bedroom naman ang siyang favorite spot nina Jinkee at Manny sa kanilang bahay, dahil bukod sa magkasama silang dalawa ay biro pa ng Senator na halos 3 kwarto daw ang katumbas sa laki ng kanilang kwarto.

At kung tatanungin naman ang favorite bonding ng pamilyang Pacquiao, ang bawat isa ay nag-agree na ang kanilang paborito ay ang dinner time at church service na magkakasama sila bilang pamilya.

Pagdating naman sa paboritong pagkain ay nagkasundo naman si Manny at Princess na siyang parehas na paborito ang Ginataang Kalabasa.

Hindi naman napigilan ng pamilyang Pacquiao ang matawa sa naging reaksyon ni Manny ng tanungin kung sino ang hindi madalas maligo sa kanila, na siyang sa una ay kanilang tinuro si Jimuel at Michael.




Credit: Mary Pacquiao Youtube

Ngunit nang sabihin ni Jinkee, “Ang tahimik ‘yun ang hindi naliligo,” na siyang nagbigay kasiyahan sa kanilang hapagkainan dahil tanging si Manny lamang ang siyang tahimik sa kanila.

At kung papapiliin kung beach o swimming pool ay lahat naman ay sumang-ayon sa beach na siyang paborito nilang beach activities ay scuba diving at jet ski.

The post Mary Pacquiao, ibinahagi ang kanilang naging question and answer kasama ang pamilya sa isang masayang salu-salo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments