Jak Roberto, ipinasilip ang nabili nyang lote kung saan nya papatayuan ng kanyang sariling bahay

Ang pangarap lang noon na siya ring isa sa mga bucket list ng Kapuso actor na si Jak Roberto, na makabili ng lote ay sa wakas kaniya ng natupad ang magkaroon ng sariling lupa.

Sa bagong vlog na inilabas ni Jak sa kaniyang YouTube channel ay kaniyang ipinakita sa mga viewers, ang lote na kaniyang nabili kalapit lamang ng bahay ng kaniyang kapatid na si Sanya Lopez.


Credit: Jak Roberto Youtube

Hindi lubos makapaniwala ang aktor sa bagong achievement na kaniyang natupad ngayon sa pagbili ng sariling lupa.

“I feel so blessed guys kasi ni hindi ko talaga naisip before na makakabili ako ng lupa.”

Kwento pa ni Jak ay hindi rin naging madali ang buhay nila noon ni Sanya, dahil simula ng pumanaw ang kanilang ama ay doon nila naranasan ang magpalipat-lipat ng tirahan.




Credit: Jak Roberto Youtube

“Nung bata pa lang kami ni Sanya, talagang marami din kaming struggle kung saan kami makikitira before nung namatay yung Tatay namin.“

Kaya naman ang dating pangarap lang noon na magkaroon at makabili ng sariling lupa ay kaniya ng natupad ngayon.

“Nag-invest ako sa lupa kasi, matagal ko ng pangarap ‘yon guys. Lahat naman tayo nangangarap na magkaroon ng property. Isa ‘to sa mga nasa bucket list ko, na someday uunahin ko talaga ang kumuha ng lupa and magbi-build ako ng sarili kong bahay, gusto ko ako talaga yung magpapatayo.”


Credit: Jak Roberto Youtube

Sa huli ay labis na pinasalamatan ni Jak ang kaniyang mga natatanggap na trabaho ngayon sa kabila ng hirap ng buhay dahil sa pandemya, at lalo na sa kaniyang mga supporters na sumuporta at nagbigay ng kanilang pagmamahal para sa kaniya.

“Sobrang thankful ako sa lahat ng nagta-trust sa akin, especially sa mga naging endorsement ko during this time of pandemic diba, blessing in disguise nagkaroon po tayo ng mga endorsement and dun po nanggaling yung ipon ko dito.

Aniya, hindi niya matutupad ang lahat ng ito kung hindi dahil sa mga taong naniwala at sumuporta sa kaniya hanggang ngayon.

“Maraming maraming salamat po sa walang sawang suporta niyo sa akin, and kasama po kayo sa lahat ng success ko, sa lahat ng magandang nangyayari po sa akin.”

The post Jak Roberto, ipinasilip ang nabili nyang lote kung saan nya papatayuan ng kanyang sariling bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments