Andi Eigenmann, ibinahagi ang pagiging masayahin at malambing ni Lilo sa kanyang bunsong kapatid na si baby Koa

Isa sa mga regalong ibinigay ng Panginoon sa ating lahat ay ang ating mga pamilya lalo na ang ating mga kapatid. Sila ang ating unang kalaro, kakulitan, at kasama sa bahay. Sila ang ating pinakamamahal na kapatid.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Mula pagkabata, sila nga naman ang ating nakakasama sa bahay. Sila din ang ating nagiging ultimate partners. Gaya na lamang ng mga napakacute na anak ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na sina Baby Lilo, Baby Koa at Ellie.




Credit: @andieigengirl on Instagram

Makikita sa larawan sa IG na napakasweet ni Lilo at Koa. Super hug nga naman si Lilo sa kanyang baby brother. Kagaya ni Ellie, isa na ding big sister si Lilo sa kanyang kapatid na si Koa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


“Morning cuddles from Lilo! Much like Ellie, Lilo also seems to enjoy being a big sis. She just loves loves showering her little brother with lots of hugs and kisses! Not quite sure if Koa enjoys it but he doesn’t have much of a choice right now.😂,” saad ni Andi sa kanyang IG.

Tuwang tuwa nga naman si Andi sa kanyang mga anak. Napakacute ni Lilo habang nakayakap sa kanyang napakabubbly at cute na cute na kapatid na si Koa.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Nakakatawa pang saad ni Andi na di man daw natin alam kung gusto ba ito ni Koa. Pero, makikita dito na tuwang tuwa si Lilo sa pagiging big sister sa kanya.

Gaya naman ng panganay ni Andi na si Ellie, isa din siyang mabait at napakasweet na ate kay Lilo at ngayon ay kay Koa din.




Credit: @andieigengirl on Instagram

Isa nga naman talagang inspirasyon ang Happy Islanders Family. Nakakabilib kung paano sila nagiging masaya at na eenjoy ang isang simpleng buhay kasama ang pamilya.

Iyan nga naman ang mas mahalaga. Ito ay ang mamuhay ng simple, payapa at masaya. Sila ang nagiging sandigan natin sa anomang panahon, ang ating pamilya.

The post Andi Eigenmann, ibinahagi ang pagiging masayahin at malambing ni Lilo sa kanyang bunsong kapatid na si baby Koa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments