Usap-usapan pa rin ngayon sa social media ang community pantry na nagsilbing bayanihan ng ilan sa ating mga kababayan, na nakipagtulungan upang mabuo ang layunin nitong makatulong sa mga taong nangangailangan sa panahon ng pandemya.
Credit: @therealangellocsin on Instagram
Kaya naman bilang kaugnay sa pagbibigay pugay ng real-life Darna na si Angel Locsin sa mga kababayan natin na may mabubuting puso, ay naisipan niyang magtayo ng sariling community pantry upang mas palawakin pa ang kabayanihang ginawa ng ilan sa ating mga kababayan.
“Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow by putting up a community pantry here.”
View this post on Instagram
Upang mas marami pa ang matulungan na pamilyang naghihirap sa panahon ngayon ng pandemya, ay masayang ibinahagi ni Angel sa kaniyang Instagram post ang larawan ng mismong community pantry na kaniyang tinayo sa Quezon City.
Ayon pa sa aktres ay bahagi ng pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayong April 23 ay kaniyang naisipan na mas gawing espesyal ito sa pamamagitan ng pagtulong sa maraming tao.
Credit: @therealangellocsin on Instagram
Makikita sa larawan ang samu`t-saring pagkain tulad na lamang ng mga delata, itlog, tinapay, kape, gatas at marami pang iba.
Maliban sa mga ito ay marami din ang nag donate para sa community pantry na ito na tinayo ni Angel, tulad na lamang ng kanilang mga dinonate na vitamins at alcohol.
Makikita din ang ilan sa mga volunteers na kasama ni Angel sa pag-aayos at pagpa-pack ng mga pagkain na ilalagay mismo sa community pantry na ito.
Credit: @therealangellocsin on Instagram
Ang eksaktong address at oras na maaaring pumunta sa community pantry na ito ay inilagay rin ni Angel sa kaniyang naturang post.
“Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City. From 10am-4pm or until supplies last :)”
Kaniya ring inabisuhan ang mga taong pupunta na sumunod pa din sa tamang safety protocols upang maging ligtas at magdala ng sariling ecobag upang hindi raw makadagdag sa basura.
Credit: @therealangellocsin on Instagram
“Anyone is welcome. But please make sure to follow protocols If you can, please bring your own ecobag para hindi makadagdag ng basura. Salamat po!
PS. Volunteers have been tested.”
Sa kabila man ng hirap ng buhay ay pinatunayan pa rin ni Angel na ang lahat ay magiging madali basta ang bawat isa ay may bukal na kalooban na handang makiisa at tumulong sa mga taong nangangailangan.
The post Angel Locsin, magbubukas ng community pantry kasabay ng magiging pagdiriwang nya ng kanyang kaarawan appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments