Andi Eigenmann, ipinakita ang masayang reaksyon ng anak nyang si Lilo nang gawan sya ng simpleng laruan ng kanyang Papa na si Philmar

Simple at payak na pamumuhay ang makikita sa buhay ni Andi Eigenmann at ang kanyang partner na si Philmar Alipayo. At ngayon, ay sobrang enjoy nga naman sila sa Siargao kasama ang kanilang mga anak na sina Lilo, Koa at ang anak ni Andi na si Ellie.


Credit: Happy Islanders Youtube

Dito ay namumuhay sila ng tiwasay at payapa. Sa sariwang simoy ng hangin, malapit sa kalikasan at nakaka relax na tunog ng alon ng dagat, ay talagang magiging masaya kang mamuhay kasama ang mahal mo sa buhay.




Credit: Happy Islanders Youtube

Sa latest vlog ng Happy Islanders Fam, mapapanood dito ang everyday life nila. Makikitang nangunguha ng halaman si Philmar at ito ang kanilang magiging plantito.


Credit: Happy Islanders Youtube

Mas nakaka amaze naman ang napakasimpleng laruan na ginawa ni Philmar para kay Lilo. Gamit ang dahon at stick, nakagawa siya ng isang laruan na talagang namang napaka creative. Madiskarte at napaka resourceful nga naman talaga nitong si Philmar.


Credit: Happy Islanders Youtube

Tuwang tuwa si Lilo nang makuha naman niya ang laruan na ito. Noong una, ay tinuruan pa siya ni Philmar kung paano ito laruin. At talagang di na ito binitawan ni Lilo.

Nakakataba nga naman ng puso na makita na sa simpleng bagay ay tuwang tuwa din itong si Lilo. Gaya na lamang ng kanyang mga magulang na masaya at kunteto sa simpleng buhay.

Maging mga netizens ay tuwang tuwa kay Lilo at sa laruan nito:

“I love how less complicated things are, how simple and carefree.”

“Lilo is really adorable… She enjoys simple life…”




Credit: Happy Islanders Youtube

“I can really feel Andi Eigenmann’s genuine happiness through her vlogs. Happiness radiates like sunrays when you’re with the right person talaga. 💖

“Napapangiti ako sa mga kakulitan ni Lilo, Philmar, continue to be a good father and a husband. hanga ako Kay Andi.doing all her effort to build a happy family.God Bless you and your family.We miss ate Ellie.”

The post Andi Eigenmann, ipinakita ang masayang reaksyon ng anak nyang si Lilo nang gawan sya ng simpleng laruan ng kanyang Papa na si Philmar appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments