Maris Racal at Rico Blanco, usap-usapan ngayon dahil sa kanilang di umano’y espesyal na relasyon

Naging usap-usapan ngayon sa social media ang naging pagbati ng aktres at singer-songwriter na si Maris Racal sa naging kaarawan ni Rico Blanco na isang batikang singer-songwriter.

Sa natapos na kaarawan ni Rico noong March 17 ay isang pagbati ang ipinaabot ni Maris, na kung saan ay binati niya ang singer sa pamamagitan ng pag-post ng larawan nito at ang kanilang video na magkasamang kinakanta ang “Brighter than Sunshine”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)


“hi rico. happy birthday. 🤠

Tila`y ang naging pagbati ni Maris ay naging daan sa mga netizen upang isipin na ang dalawa ay may relasyon, lalo na at mas naging usap-usapan ang naging reply ni Rico sa pagbati ni Maris sa kaniya.

“hahaha love youu!!!🦩🦩🦩



Hindi rin naman nakaligtas ang ilan sa mga naging komento ng mga sikat na celebrity, at hindi rin napigilan ang kanilang kilig na naramdaman kina Maris at Rico.

“Ay iba. 👏😍

“Aaaaw. Cute niyo ❤ Happy birthday Rico!!! @ricoblanco100”

“Ayyyyyyy 😍 the cat is out of the bag 😮❤

“Grabe yon!”

“Omg ❤ @ricoblanco100 happy birthday!!!”

“The cover is soooo gooood!❤

Wala pa mang kumpirmasyon sa kanilang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon, ay mararamdaman pa din ang labis na suporta ng kanilang mga tagahanga na nakapansin ng kanilang kakaibang chemistry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)


Nagsimulang magtagpo ang kanilang landas ng mag tweet si Maris noong taong 2018, patungkol sa paghahanap ng kaniyang magiging creative partner.


Dahil dito ay may ilang netizen ang nag mention kay Rico sa naturang tweet ni Maris, at dito na nga nagsimulang mapakinggan ni Rico ang mga unreleased songs ni Maris.

“Pumunta ako sa studio niya and then pinlay ko lahat ng songs ko na nasulat. Yung mga nasulat na finished na and I think medyo proud ako na ipaparinig sa kanya.




‘Yun lang ‘yung mga songs na confident ako iparinig sa kanya. Actually, after naming tinapos yung song, ‘di ko na alam, tumakbo ako sa kotse ko tapos sumigaw lang, ganun,”

Na naging kalaunan ay makikitang nag-collaborate na ang dalawa nang isulat nila parehas ang awiting “Abot Langit.”

The post Maris Racal at Rico Blanco, usap-usapan ngayon dahil sa kanilang di umano’y espesyal na relasyon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments