Jeepney drivers, naging emosyonal nang makatanggap ng napakalaking bayad mula sa isang vlogger na si Basel

Ang pag-abot ng tulong sa mga taong nangangailangan ay hindi kailanman naging hadlang sa mga taong may busilak na kalooban at handang tumulong sa kahit na anong paraan.

Tila`y ganyan nga mailalarawan ang kabutihang ginawa ng isa sa mga sikat na YouTube vlogger na si Basel na isang foreigner, matapos magbigay ng tulong sa ating mga kababayan.


Credit: The Hungry Syrian Wanderer Youtube

Hindi kailanman naging hadlang para kay Basel ang pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino, lalo na at may pandemyang kinakaharap ang bansa sa kasalukuyan.

Kaya naman sa gitna ng pandemyang ito ay naisipan niya na magbigay ng pera at naghanda ng 100,000 pesos na kaniyang ibibigay sa ating mga jeepney drivers, na araw-araw ay naghahanap-buhay at sumusulong sa initan at kahabaan ng trapiko upang makapagtrabaho.




Credit: The Hungry Syrian Wanderer Youtube

Upang masimulan ang planong pagtulong ay sinigurado ni Basel na sumusunod pa rin siya sa safety protocols at nagsuot rin ng face mask at face shield upang maging l!gtas.

Para sa unang jeep na kaniyang sinakyan ay kaniyang nakausap si Tatay Jimmy na halos 23 taon na sa pagiging isang jeepney driver.


Credit: The Hungry Syrian Wanderer Youtube

Matapos magpanggap bilang isang pasahero ay kaniyang binayaran si Tatay Jimmy ng malaking halaga bilang bayad sa kaniyang pamasahe.

Sunod naman niyang nasakyan ay ang jeep ni Kuya Rodel na halos 15 years na ring jeepney driver at sa huli ay kaniya ring binigyan ito ng malaking halaga bilang kaniyang bayad.


Credit: The Hungry Syrian Wanderer Youtube

Ang huling jeep na kaniyang nasakyan ay ang isang “Jeep ko” na isang modernized Jeepney na minamaneho naman ni Tatay na halos 2 years na ring nagta-trabaho.


Credit: The Hungry Syrian Wanderer Youtube

At ng dumating ang oras na iniabot na ni Basel ang kaniyang bayad ay hindi naman napigilan ni Tatay ang maging emosyonal sa ginawang pagtulong na ito ni Basel sa kaniya.

Bago matapos ang pagtulong na kaniyang ginawa ay, naisipan naman niyang ipamahagi ang mga natirang pera sa kaniya at i-abot na lamang ito sa mga jeepney drivers na mapapadaan sa kaniyang harapan.

Sa ginawang pagtulong na ito ni Basel ay kaniyang pinatunayan na kahit siya ay isang banyaga, hindi ito naging hadlang upang makatulong sa mga taong nangangailangan.




Credit: The Hungry Syrian Wanderer Youtube

“If I am blessed, I want everybody else to be blessed like me. I`m blessed and I want everybody to feel blessed as well, because I`m giving not only to give but because I know how it feels to have nothing,”

The post Jeepney drivers, naging emosyonal nang makatanggap ng napakalaking bayad mula sa isang vlogger na si Basel appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments