Megastar Sharon Cuneta, may pasilip sa kanyang bagong ipinapatayo na napakalaking bahay

Isa ka din ba sa mga nag-aabang kung kailan matatapos ang mala mansyong tahanan ng sikat na singer na tinaguriang Mega Star na si Sharon Cuneta?


Photo Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

Tila`y ang paghihintay ay matatagalan pa, ngunit ganun pa man ay masayang ibinahagi ni Sharon sa publiko na natapos na ang paggawa sa basement parking ng kanilang itatayong bahay.

“Basement parking in our forever home halfway done! It’s under half the whole house.”




Oktubre ng nakaraang taon ng ibahagi ni Mega Star sa publiko ang on-going construction ng kanilang bahay, na siyang nagpa mangha sa karamihan dahil sa laki at lawak nito na aakalaing isang hotel ang siyang itatayo dito.

“Am so excited that we’re moving forward! Construction started August 1 last year then my workers of course took a Christmas break.”


Labis ang tuwa at sayang naramdaman ni Sharon para sa magiging itsura ng kanilang magiging tahanan ng kaniyang pamilya, lalo na at ang kaniyang contractor at architect hindi rin naman matatawaran ang galing lalo na kung bahay ang pag-uusapan.

At ito nga ay walang iba kundi sina Onet Limchoc na siyang napili ni Sharon na kaniyang maging contractor, at si Architect Conrad Onglao na siyang partner ng isa rin sa mga mahusay na singer na kaibigan din ni Mega Star na si Zsa Zsa Padilla.


“Galing my workers. Everyone just works and works and in such an organized manner! Galing my contractor, Onet Limchoc of @limchoc.construction and siempre my architect @conrad_onglao!”

Ayon kay Sharon ay dalawang taon pa ang hihintayin upang matatapos ang bahay na kanilang ipinatayo.




Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

“My contractor said about two months ago when I asked him when he thought they would finish building that he would try his best to be done in a little over two years.”

“Praying all goes well til the end. Kakayanin daw ng bahay namin kahit lindol na intensity 9-10! Thank God talaga! 😍😍😍🙏🏻🙏🏻🙏🏻❤❤❤

The post Megastar Sharon Cuneta, may pasilip sa kanyang bagong ipinapatayo na napakalaking bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments