Doug Kramer, may pasilip sa kanilang mas pinaganda at mas pinabonggang home theater

Na-miss mo na bang manuod sa mga sinehan at mapanuod ang iyong mga paboritong palabas na pinagbibidahan ng iyong mga hinahangaang celebrities kasama ang iyong kasintahan, kaibigan at pati na rin ang iyong pamilya?


Credit: @dougkramer on Instagram

Hindi pa man nanunumbalik ang dating nakagawian tulad ng panunuod sa mga sinehan dahil sa pandemyang ito, marami naman ang siyang nakaisip ng paraan upang maramdaman pa din cinema feels na iyong kinaaliwan.

Isa na nga sa mga ito ay ang Team Kramer na kung saan ay nagpalagay sila ng kanilang sariling home theater na makikita sa loob ng kanilang mala mansiyong tahanan.




Credit: @dougkramer on Instagram

At dahil hilig ng kanilang pamilya ang manuod ng movies na magkakasama, ay naisipan ni Doug Kramer na bumili ng pang malakasan na mga speakers upang mas lalo nilang ma-enjoy ang panunuod ng mga paborito nilang pelikula.

Ang mga speakers na ito ay hindi lang basta-basta kundi ito ay pang malakasan, at talaga namang mae-enjoy ang panunuod ng kahit na sino.


Credit: Team Kramer on Facebook

Ang mga speakers na ito na kaniyang binili ay nagmula pa sa US, ito ay ang Dual 15S, JTR Noesis 215RT na 300 pounds ang bigat at 2 units JTR 4000ULF-ST na 6000W.

“These JTR speakers are from the US. They’re handmade and had to be produced 3 months, and then 2 months of ocean freight to the Philippines.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Teenager pa lamang umano si Doug ay nahilig na sa mga speakers kaya naman talagang pinag-aralan niya ang bawat isa sa mga ito.

“I’ve read about speakers, I’ve read about projectors, I’ve read about screens.”

“Ever since I was a teenager, I’ve always dreamed of having my own theater.

I started out with a simple 2 speaker setup and now I’ve moved on to 9.4.6 system. Meaning, 9 surround speakers, 4 subwoofers, and 6 ceiling atmos speakers.”

Bukod sa mga speakers na ito ay makikita din ang kaniyang mga 4K movies collection, na kanilang pinapanood sa 190 inches 2.35 na kanilang theater screen.




Credit: Team Kramer on Facebook

Ngayon na upgraded na ang kanilang theater room ay paniguradong hindi lamang ang Team Kramer ang siyang mag-eenjoy kundi pati narin ang kanilang mga kasambahay.

“These are endgame (final) speakers for me. They are more than amazing and I made sure that my family and even kasambahays can get a feel of how it is inside our home theater!”

The post Doug Kramer, may pasilip sa kanilang mas pinaganda at mas pinabonggang home theater appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments