Jason Francisco, nagulat sa surpresang regalo na isang bagong sasakyan mula sa kanyang asawa na si Melai Cantiveros

Ang makapagbigay ng regalo noong pasko sa pamilya man o mga taong malalapit sa ating buhay, ay iba pa din ang hatid na tuwa at ligaya na masilayan ang kanilang mga ngiti sa malaki o simpleng paraan lamang.

Busy man parehas sa kani-kanilang trabaho, hindi naman nakaligtaan ng celebrity couple na Melason, na pinangunahan ni Melai Cantiveros at Jason Francisco, na gunitain ang espesyal na araw para sa ating lahat ang kapaskuhan.



Credit: Melason Official Youtube

At sa kanilang natapos na selebrasyon noong pasko, ibinahagi naman nila sa publiko ang masayang kaganapan sa kanilang pamilya lalo na ang hindi inaasahang sorpresa ni Melai para kay Jason.

Mula sa video na na inupload nila sa kanilang YouTube channel ay makikita ang naging simpleng Christmas party nilang dalawa kasama ang mga taong malalapit sa kanilang pamilya.

Credit: Melason Official Youtube

At dahil bahagi ng pasko ang pagbibigayan ng mga regalo, naisipan ni Melai na sorpresahin ang kaniyang asawa bilang Christmas gift nito para sa aktor.

Sa unang bahagi ay makikitang tinanong ni Melai si Jason kung anu-ano ang mga bagay na gusto nitong matanggap sa pasko.

Credit: Melason Official Youtube

Isa na nga sa mga nabanggit ni Jason ay ang pagkagusto nito sa aso, na siyang ayaw naman ni Melai dahil takot sya umano dito.

Bukod sa gustong aso, gusto rin ni Jason ang magtravel at magkaroon ulit ng alagang isda.

Credit: Melason Official Youtube

Sa kabila ng mga kagustuhan na ito ng aktor, mas gusto pa din niya ang makapagbigay ng regalo sa iba kaysa ang makatanggap ng kahit ano man para sa kaniyang sarili.

Ngunit ang hindi niya alam ay isang sasakyan ang sorpresang regalo ni Melai para sa kanya.

Credit: Melason Official Youtube

Sa araw ng kanilang Christmas party, ay makikitang masayang nagkukwentuhan sina Jason kasama ang mga taong malalapit sa kanilang pamilya, habang ilang oras ang nakalipas ay ang pagdating ng sasakyan na regalo mismo ni Melai para sa kanya.

At ng mapansin ng aktor na siya ay naka video, tila’y nagkaroon na ito ng kutob na may sorpresang mangyayari sa kanya.

Kaya naman ng maibigay sa kanya ang susi ng regalong sasakyan, mababakas naman ang labis na kasiyahan sa mukha ni Jason at kapansin-pansin din ang pagpipigil nito sa tuwang nararamdaman na masilayan ang regalo.



Credit: Melason Official Youtube

Pagpasok pa lamang ni Jason sa loob ng sasakyan ay mapapansin na ang pagiging speechless nito, lalo na ng malaman niyang huhulugan niya pala ang regalong sasakyan buwan-buwan.

Ganunpaman, hindi maitatanggi na tila’y success ang naging sorpresa ni Melai para sa kaniyang asawa, na siyang makikita sa naging reaksyon nito sa kaniyang regalong sasakyan.

The post Jason Francisco, nagulat sa surpresang regalo na isang bagong sasakyan mula sa kanyang asawa na si Melai Cantiveros appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments