Janella Salvador, ipinakilala na sa publiko ang kanyang napaka cute na anak na si Jude

Ang tila’y pagdating ng munting anghel sa buhay ng aktres na si Janella Salvador at kasintahan nito na isa ring aktor na si Markus Paterson ay nagbigay ng kakaibang saya at panibagong pag-asa sa kanilang buhay ngayon.

Credit: @superjanella on Instagram

Nakaraang taon ay naging usap-usapan sa publiko ang isyung patungkol sa pagbubuntis umano ni Janella at ang paglipad ng kaniyang ina na si Jenine Desiderio pa abroad, ang siyang naging daan upang ito ay pag-usapan sa social media.

At dahil walang kumpirmasyon sa naging isyu na iyon ni Janella, isang magandang balita naman ang kaniyang isiniwalat kanina sa publiko at sinagot na ang katanungan kung siya ba ay nagbuntis.



Credit: @superjanella on Instagram

Sa YouTube channel nina Janella at Markus ay ibinahagi nila sa publiko ang kwento sa likod ng naging pagbubuntis ng aktres at ang mga ilang pinagdaanan ni Janella bago isilang ang kanilang napaka cute na anak na si Baby Jude.

Credit: M & J Youtube

Pebrero pa lamang ng nakaraang taon ay nagpunta si Janella sa kaniyang doktor at makikita sa video ang ultrasound ng kanilang anak ni Markus.

At matapos ang ilang buwan ay kanilang nalaman ang gender nito at makikita ang gulat at tuwa sa kanilang mga mukha ng malamang ito ay lalaki.

Credit: M & J Youtube

Hindi maipaliwanag ni Markus at Janella ang kanilang labis na kasiyahan sa pagdating ng kanilang munting anghel sa kanilang buhay.

At Oktubre 20 ay isinilang na ni Janella ang healthy at napakacute na si Baby Jude, at makikitang sa bawat oras na lumipas habang hinihintay ang pagdating ng kanilang anak ay labis ang naging pag-alalay ni Markus para sa kasintahan.

Hindi man inaasahan nina Janella at Markus ang pagdating ni Baby Jude, labis naman ang kanilang naging kasiyahan na masilayan ang kanilang anak matapos ang ilang buwan nilang paghihintay.



Credit: @superjanella on Instagram

Bahagi ng buhay nila Janella at Markus ang makarinig ng negatibong komento sa maraming tao, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang dalawa upang ipakilala ang kanilang munting anghel sa publiko at masilayan ng kanilang anak ang buhay na puno ng pagmamahal na nagmumula sa mga taong nagmamahal sa kanilang pamilya.

The post Janella Salvador, ipinakilala na sa publiko ang kanyang napaka cute na anak na si Jude appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments