Janella Salvador at Markus Paterson, ipinasilip ang mga nakakatuwang reaksyon ng kanilang anak na si baby Jude

Matapos ang ginawang rebelasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson tungkol sa pagsilang ng kanilang munting anghel ay sunod-sunod na din ang kanilang pagpost ng mga larawan at bidyo kasama si baby Jude.

Maraming araw na rin ang nakalilipas matapos i-anunsyo ni Janella at Markus ang pagkakaroon nila ng anak na siyang naging usap-usapan noon sa social media dahil sa pagdadalang tao umano ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


Hindi man madali para kina Janella at Markus ang ipaalam ito sa publiko dahil sa mga samu’t saring kumento na maaari nilang matanggap, lakas-loob pa din at matapang nilang ipinakilala ang kanilang anak na si Baby Jude.



Tila`y ang pagdating ni Baby Jude sa buhay nilang dalawa ay maituturing na isang biyaya at malaking regalo na natanggap nila para kay Janella.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


“You’re the best gift i’ve ever received, Jude.”

Sinubok man ang katatagan, ang masilayan ang mga ngiti at makasama si Baby Jude ay iba na ang hatid na ligaya para kay Janella.

Credit: @markus on Instagram

Katulad na lamang ng video na ibinahagi ni Janella sa kaniyang Instagram, makikita at maririnig mula dito ang pagkanta ng aktres kay Baby Jude, na siyang kapansin-pansin din naman ang reaksyon nito habang nakatitig sa kaniyang ina.

“Life with you will always be la vie en rose.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


Ngunit hindi lang yan, dahil tulad din ni Janella ay tila`y gusto din ni Baby Jude na sabayan sa pagkanta ang kaniyang ina na siyang makikita sa bawat ngiti at mahihinang tinig na nagmumula sa kaniya.

At dahil sa tila`y kantahan session ng mag-ina, umani naman ito ng maraming kumento at reakyson sa mga netizen.



“Kilig na kilig siya sa boses mo 💕💕💕

“Omg. I have the same vid. I sang this song to my son also. Same reaction. 😍💖

Credit: @superjanella on Instagram

“he likes your voice, very calming 😊

“So cuteee…❤❤❤

“He likes to sing also, @superjanella ❤. So cute! ❤😍❤😍❤

The post Janella Salvador at Markus Paterson, ipinasilip ang mga nakakatuwang reaksyon ng kanilang anak na si baby Jude appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments