Alex Gonzaga, masayang ibinalita ang kanilang pagpapakasal ng kanyang fiance na si Mikee Morada

Sa tagal ng hinintay na pagkakataon nina Alex Gonzaga at fiance nyang si Mikee Morada ay sa wakas ay ikinasal na silang dalawa na ibinalita mismo ni Alex sa kanyang mga social media accounts.

Credit: @cathygonzaga on Instagram



Matatandaan na noong Disyembre 2019 ay nagpropose si Mikee kay Alex sa Hong Kong kasabay ng ika-32 na kaarawan ni Alex at dapat ay noong nakaraan pang Oktubre ang planong pagpapakasal nila ngunit dahil nagkaroon ng mga di inaasahang pangyayari dala ng quarantine ay napilitan silang maghintay muli at magtakda ng panibagong petsa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Binanggit din mismo ni Alex na noong Nobyembre ng nakaraang taon pa sila naikasal ngunit ngayon lang nya ito ibinalita dahil gusto nya na makapagcelebrate muna silang pamilya.

Mapapanood sa kanyang Youtube video ang kanilang anunsyo bilang mag-asawa at naibahagi din nila ang mga naging masayang ganap noong mismong araw ng kanilang kasal.

Makikita rin doon ang mga mismong nangyari mula sa preparasyon hanggang sa kanilang pagpapakasal na dinaluhan ng kanilang pamilya pati na rin ang mga taong malapit sa puso nila Alex at Mikee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Sa Instagram post namang ito ni Alex ay kanyang ibinahagi ang napakagandang larawan nila ni Mikee noong kasal na talaga naman ikinatuwa at ikinakilig ng mga netizens.



Credit: @cathygonzaga on Instagram

Di rin naman nagtagal matapos ang anunsyong ito nilang dalawa bilang mag-asawa ay bumuhos ang pagbati mula sa kanilang mga pamilya, kaibigan at mga tagahanga.

The post Alex Gonzaga, masayang ibinalita ang kanilang pagpapakasal ng kanyang fiance na si Mikee Morada appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments