Ivana Alawi, namigay ng surpresang magandang helmet at malaking halaga ng pera sa mga delivery riders

Makikita sa pinaka bagong bidyo sa Youtube Channel ni Ivana Alawi ang kanyang buong puso na pagtulong sa mga delivery riders.

Ang kanyang bidyo na ito ay may pamagat na “Prank on delivery riders + Surprise!”, dahil sa kanyang magandang imahe na ipinakita ay sa loob lamang ng limang oras ay lumagpas na ang kanyang views ng isang milyon.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Si Ivana Alawi ay isang sikat na vlogger at kilala sa pagkakaroon ng isang mabuting puso katulad na lamang ng pagbabahagi niya sa ibang tao ng kanyang mga blessing na dumarating sa buhay nya. Ngayon naman ang kanyang mga tinutulungan ay ang mga riders na nagtatrabaho sa gitna ng pandemya.

Unang – unang ibinahagi ni Ivana na mahilig itong mag-order online kaya naman talagang na-appreciate niya ang mga delivey riders.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Dagdag pa nito na kaya niya naisipan na magbigay ng mga regalo sa mga delivery riders dahil ng minsan daw ay may nakita itong nal0ko na delivery rider kaya talaga naman nahabag ito dahil nga naman mah!rap mag-abono tapos hindi na nga ito kumita at nabawasan pa ito ng pang-abono.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Si Ivana din mismo ang mga bumili at pumili ng mga high quality helmets sa mismong tindahan ng mga ito. Nakabili ito ng walong helmets para sa mga delivery riders. Para magkaroon ng pagbibigyan nito ay tumawag ito sa mga ibat ibang apps kung saan iba ang nakalagay na pangalan para di malaman ng rider na si Ivana talaga ang kanilang pagdadalhan ng pagkain.

At syempre hindi lamang helmets ang kanyang binigay, meron pa itong pakulo na games kung saan mananalo sila ng mga cash prize na sampung libong piso.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa bidyo makikita na mismong mga riders ang mga pumili ng kanilang mga natipuhan na helmet na nakalapag sa isang mesa. Mayroon din si Ivana na bonus question para sa kanila na sobrang dali lamang para makakuha ito ng premyo. Sa bandang huli ang mga riders ay talaga naman nagulat at naging emotional sa nangyari habang sila ay tumatanggap ng mga biyaya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay si Ivana ng napakalaking halaga ng pera at regalo. Ngayon, si Ivana Alawi ay nakakakuha muli ng mga paghanga mula sa mga netizens pagkatapos niyang bigyan ng mga brand new helmet ang iba’t ibang mga delivery riders.

“She’s the best influencer these days. Her mom must be proud that she raised a good daughter salute!”



Credit: Ivana Alawi Youtube

“here is the real influencer who, even if he is famous, would not have boasted that there are still many people like ate ivana who are generous and have a good heart💛💛

“I know this sounds oa but i’m crying while watching this. Gusto ko rin mamigay pero diko magawa kasi ako rin nangagailangan. Thank you miss ivana❤

The post Ivana Alawi, namigay ng surpresang magandang helmet at malaking halaga ng pera sa mga delivery riders appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments