Andrea Brillantes, masayang ipinasilip ang kanyang bagong bahay na bunga ng kanyang sipag at pagsisikap sa trabaho

Matapos ang sampung taon na kaniyang hinintay upang maipatayo ang pangarap na bahay para sa pamilya ay kaniyang natupad na.

Credit: @blythe on Instagram

Bunga ng kaniyang pagsusumikap at kasipagan sa trabaho bilang isang mahusay na artista sa murang edad pa lamang, sino ang mag-aakala na ang 17 taong gulang na si Andrea Brillantes ay nakapagpatayo na ng sariling bahay para sa kaniyang pamilya.



Credit: @blythe on Instagram

Kwento pa ng aktres ay wala sila umanong sariling bahay noon ng kaniyang pamilya dahil sila ay nangungupahan lamang.

“Wala din po kasi talaga kaming sariling bahay po. Lagi lang po kaming nagre-rent.”

Credit: @blythe on Instagram

Kaya naman kahit baguhan pa lamang sa showbiz ay pinangarap na ni Andrea na makapagpatayo ng bahay para sa kaniyang pamilya.

“Dati pa lang po nung nag-e-extra-extra pa ako, pangarap ko na talagang magkabahay.”

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na noong Agosto ng nakaraang taon ay ipinasilip na ni Andrea sa publiko ang bahay na kaniyang pinapagawa.

Credit: @blythe on Instagram

At ngayon matapos ang ilang buwan na paghihitay, masayang ibinahagi ng aktres ang bahay na kaniyang pinangarap lang na magkaroon noon ay kaniyang natupad na ngayon.

Sa larawang ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram account kahapon ay makikita ang isang Spanish Mediterranean style na bahay ni Andrea at ang kulay orange nito na pintura ang siyang nagbigay kagandahan sa itsura ng labas ng kaniyang tahanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


“You were my longest (10 years) and most difficult dream to come true. You have always been at the back of my mind since i was young pushing me to work harder. I’m so happy you made it this year with everything that happened, im soooo happy.”

Tila`y maganda ang pagpasok ng taon na ito para kay Andrea, at labis naman ang naging pasasalamat ng aktres sa mga taong nagtiwala at sumuporta sa kaniya sa simula pa lamang ng kaniyang showbiz career.

Credit: @blythe on Instagram

“To my BRILLANTS! thank you for always having my back and supporting me since day 1! I swear i wouldn’t have come this far without you all”

“Thank you also to my @headandshouldersph @brilliantskinessentialsmain @carelineph @met_tathione @unisilverjewelry @fresh_philippines @tecnomobileph @ayumi.eyelash @belobeauty @gaocdental @ilaw.atbp @starmagicphils @abscbn @becky_aguila @katrina_aguila families for trusting and believing in me ❤



Credit: @blythe on Instagram

Kahit sa kaniyang murang edad pa lamang, pinatunayan ni Andrea na walang imposible sa taong nangangarap at nagsusumikap na abutin ang mga pangarap sa buhay.

The post Andrea Brillantes, masayang ipinasilip ang kanyang bagong bahay na bunga ng kanyang sipag at pagsisikap sa trabaho appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments