Alex Gonzaga, ibinahagi ang kwela at nakakatawang double date nila kasama ang Jamill sa isang mamahalin at sosyal na restaurant

Muli na namang pinatawa at pinangiti ng aktres at komedyanteng si Alex Gonzaga ang kaniyang mga netizens, sa panibagong video na kaniyang in-upload ngayong pagpasok ng taon.

Sa mga videos ni Alex ay marami ang kaniyang nabibigyan ng kasiyahan mula sa pagiging natural nito at mala kwelang personality na minahal at sinuportahan ng karamihan.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

At sa nakaraang 2020 hindi pa dito natatapos ang pagpapasaya ng aktres, dahil ito na ang panibagong taon na sisimulan niya ito kasama ang kaniyang soon-to-be husband na si Mikee Morada.

Kaya naman sa bagong video ni Alex noong Enero 2, ay makikitang nakasama niya si Mikee sa isang fine dining bilang unang date nila ngayong taon.



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Ngunit hindi lang silang dalawa ang iyong makikita dahil nakasama rin nila ang isa sa mga sikat na YouTube vlogger ang JaMill, na kinilala bilang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Isang masayang double date ang kanilang pinagsaluhan na magkakasama at mula sa kanilang video ay talaga namang matatawa ka sa kanilang mga eksena, dahil kilala din ang JaMill sa kanilang mala kwelang personality na siyang minahal ng kanilang mga “Mandirigma”.

Pagdating pa lamang nilang apat sa Wolfgang’s Steakhouse by Wolfgang Zwiener, ay hindi na maitago ang pagiging kwela at natural nina Jayzam at Camille, habang sila ay kumakain.

Ang unang pagkain na kanilang tinikman ay ang appetizer na isang oyster dish na siyang makikitang hindi masyadong nagustuhan ni Jayzam ang lasa dahil sa ito daw ay lasang dagat.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Matatawa ka naman sa naging reaksyon ni Camille ng tanungin niya ang butler sa pagkain na nakahain sa kanilang harapan, at ng marinig niya ang pagpapaliwanag nito gamit ang lenggwaheng ingles ay pinakiusapan niya itong magtagalog na lamang upang kaniyang maintindihan.

Sa kanilang pagkkwentuhan ay ibinahagi naman ni Alex na hindi umano mahilig si Mikee sa mga babaeng nag-i-english, dahil ayon sa aktres ay ganoon umano ang mga naging ex ng kaniyang Fiance.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Kapansin-pansin naman ang nakakatawang pagtutol ni Mikee sa isiniwalat ni Alex dahil ayon umano sa kaniya ay baka mapanood ng kaniyang mga ex ang video nila.

At nang mapag-usapan naman nila ang tawagan nila sa isa`t-isa, sinagot ito ni Alex na “Papamel” ang kanilang call sign, na siya namang ikinagulat at ipinagtaka ni Mikee dahil hindi iyong ang kanilang tawagan.



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Sa pagtatapos ng kanilang masayang double date, isang nakakatawang eksena naman ang ginawa ni Alex na siyang makikita na nagdala ito ng isang lalagyanan ng sorbetes, na siyang nilagyan niya ng natirang pagkain at isang ice bag at straw na siyang para naman sa natirang wine na kanilang hindi naubos.

The post Alex Gonzaga, ibinahagi ang kwela at nakakatawang double date nila kasama ang Jamill sa isang mamahalin at sosyal na restaurant appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments