Willie Revillame, isa ng ganap na lisensyadong piloto at ibinahagi kung paano nya ito nagagamit upang mas makatulong sa kapwa

Siya ay nakilala ng karamihan bilang si Kuya Wil sa kaniyang programa na kasalukuyang mapapanood ngayon sa GMA-7, ang Wowowin.

Credit: Wowowin Youtube

Mula sa kaniyang husay sa pagho-host, siya rin naman ay hinangaan at minahal ng publiko sa kaniyang pagkakaroon ng busilak na kalooban, na handang tumulong sa nangangailangan sa kahit ano mang paraan.

Hindi lamang isa, kundi maraming pamilya na ang kaniyang napasaya at natulungan mula sa kaniyang programa at pati na rin ang kusang pagtulong mula sa kaniyang bulsa.



Credit: Wowowin Youtube

Ngunit ang hindi alam ng karamihan, ang aktor at TV host na si Willie Revillame o si Kuya Wil, ay isa rin namang mahusay na piloto.

Busy man sa pagtulong sa mga nangangailangan at sa trabaho na kaniyang kinabibilangan, hindi naman ito naging hadlang para sa kaniya upang subukin din ang pagpapaandar at pagpapalipad ng isang helicopter.

Credit: Wowowin Youtube

Ayon kay Kuya Wil ay dumaan siya umano sa 40 hours of Ground schooling upang matutunan ang pagpapalipad ng chopper.

Isa sa segment ng kaniyang programa ay ibinahagi niya sa publiko ang munting pasilip sa kaniyang naging pag-aaral at ang ilang mga video na siya na mismo ang nagpapalipad nito.

Credit: Wowowin Youtube

Ngunit bago sumalang sa ganitong pagsasanay, sinigurado muna ni Kuya Wil na siya ay lisensyado at maayos ang kalusugan.

At isa sa kaniyang mga napaandar bilang isang licensed pilot ay ang R66 Robinson Chopper, na siyang may tulong at gabay ng mga professional pilots.

Credit: Wowowin Youtube

Isa umano sa mga dahilan kaya nagustuhan at minahal niya ang pagiging isang piloto at pagpapalipad ng chopper ay dahil sa isang bagay lamang, ang humanitarian reason.

Kwento pa niya ay 5 o’clock pa lamang ng umaga ay nasa helipad na siya ng Wil Tower upang magpalipad at mag-ikot sa siyudad.

At dahil likas kay Kuya Wil ang pagiging matulungin, naibiyahe na rin niya ang chopper na ito patungong Catanduanes sa tagal na 2 oras at 20 minutong pagpapalipad, upang mamahagi ng nga regalo sa ating mga kababayan.



Credit: Wowowin Youtube

Bilang isang ganap na licensed pilot, labis ang naging pasasalamat ni Kuya Wil sa mga taong tumulong sa kaniya at umalalay upang subukin ang ganitong klaseng karanasan sa kaniyang buhay ngayon.

The post Willie Revillame, isa ng ganap na lisensyadong piloto at ibinahagi kung paano nya ito nagagamit upang mas makatulong sa kapwa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

1 Comments

  1. Sana po kuya will bigyan po pa kau ng dios malakas at malusog at mahaba pang buhay ng atin Panginoon.upang marami pang mahihirap ang inyong matutulungan god bless po.

    ReplyDelete